Connie Sison, excited sa award mula sa Catholic Mass Media  | GMANetwork.com - Radio - Articles

Isa ang ‘Pinoy MD sa Dobol B’ sa mga programang nagwagi sa katatapos lamang na 42nd Catholic Mass Media Awards.

Connie Sison, excited sa award mula sa Catholic Mass Media 

By AEDRIANNE ACAR

Maagang regalo para sa award-winning radio host na si Connie Sison ang maging isa sa mga big winner sa katatapos lang na Catholic Mass Media Awards (CMMA). Nagwagi ng parangal ang kanyang health radio show sa Super Radyo DZBB.

Inuwi ng Pinoy MD sa Dobol B ang tropeo para sa Best Counselling Radio Program.

Nanalo naman ang COVID-19 Special Coverage ng DZBB ng Best News Commentary Radio Program at ang Super Balita sa Tanghali Nationwide ang itinanghal na Best Radio News Program.

Wagi din ang Kay Susan Tayo sa DZBB  na nasungkit ang award bilang Public Service Program.

Sa Instagram post ni Connie, inihayag nito na masaya siya na nagsilbing tulay ang Pinoy MD sa Dobol B para makatulong sa mga kababayan natin sa gitna ng pandemya.

Saad niya, “Grateful for the award given to Pinoy MD sa Dobol B as Best Counseling Program at the CMMA’s virtual ceremony last night. Our entry for this category was about dealing with depression during this time of Covid-19.

“Masaya po kami na maging tulay para makapagbigay ng dagdag kaalaman at gabay sa ating mga kababayang nakakararanas nito lalo na sa panahon ng pandemya.”

Nag-iwan din ng pangako si Connie na lalo nilang pagbubutihin ng kanyang team sa Pinoy MD sa Dobol B, ang pagbibigay ng makabuluhang impormasyon tungkol sa kalusugan para sa kanilang mga loyal listeners.

“Hangad po naming patuloy pang palawigin ang pagpapakalat ng impormasyong pangkalusugan, lalo’t sa usapin ng mental health sa aming programa. Makakaasa po kayong lalo pa naming pagbubutihin.

“Muli, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng CMMA para sa karangalang ito. To God be the glory.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Connie Sison (@connie_sison)

Masaya naman ang multi-awarded documentarist na si Kara David at Unang Hirit host na si Lyn Ching sa pagkapanalo ng radio program ng kanilang kaibigan.

 

 

More power, Kapuso Connie and the whole team behind Pinoy MD sa Dobol B.

RELATED CONTENT:

GMA programs and personalities win top honors from various award-giving bodies

Super Radyo dzBB anchors, nalungkot sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses

Connie Sison, nakita na ang bunga ng exercise