Serbisyong totoo hatid ni Kathy San Gabriel sa 'SOS: Serbisyo on The Spot' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sinu-sino ang makakasama ng batiking broadcaster na si Kathy San Gabriel sa kanyang bagong programa sa Super Radyo DZBB?

Serbisyong totoo hatid ni Kathy San Gabriel sa 'SOS: Serbisyo on The Spot'

By AEDRIANNE ACAR

Beterano na sa mundo broadcasting si Kathy San Gabriel na pinakabagong radio anchor ng multi-awarded AM radio station ng bansa na Super Radyo DZBB.

Sa bago niyang misyon bilang Kapuso broadcaster, magsisilbi siyang host ng SOS:Serbisyo on The Spot, kung saan makakasama niya ang ilan sa pinaka-respetadong lawyer na sina Atty. Romy Macalintal at Atty. Rowena Daroy-Morales.

Sa eksklusibong pahayag ni Kathy sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang saloobin bilang host ng SOS.

Aniya, isang malaking karangalan na makapagsilbi sa mga Kapuso at Kabarangay sa tulong ng kanilang programa.

 “Ako ay nagagalak at nagpapasalamat na maging bahagi ng DZBB, na siyang himpilan sa radyo na talaga namang pinagkakatiwalaan ng ating mga kababayan.

“Isang malaking karangalan para sa akin na makapaglingkod sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon at serbisyo publiko.”

 

New DZBB radio anchor Kathy San Gabriel Photo taken from Kathy San Gabriel s Instagram account

New DZBB radio anchor Kathy San Gabriel/ Photo taken from Kathy San Gabriel’s Instagram account

Ibinida din ni Kathy, kung ano ang magiging kaibahan ng Serbisyon on The Spot sa ibang public service program na napapakinggan ngayon sa radyo.

Paliwanag nito, “Sa SOS, itataguyod namin ang pagbibigay ng serbisyong totoo na bahagi ng paglilingkod na ginagawa ng GMA. Ang mga impormasyong aming ibibigay ay magmumula mismo sa mga ekspertong totoo.”

Dagdag niya, sa tulong ng kanyang co-hosts na sina Atty. Macalintal at Atty. Daroy-Morales, hangad nila na matulungan ang kanilang listeners sa usaping legal at masolusyunan ang mga tanong ng ating mga kababayan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Tutukan ang serbisyong totoong hatid ng SOS: Serbisyo on The Spot tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Super Radyo DZBB mula 3:00-4:00 ng hapon.