Super Radyo dzBB anchors, nalungkot sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses | GMANetwork.com - Radio - Articles

Stay safe, mga Kapuso!

Super Radyo dzBB anchors, nalungkot sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses

By AEDRIANNE ACAR

Nakita mismo ng mga Super Radyo dzBB anchors na sina Arnold Clavio at Connie Sison ang pinsalang idinulot ng Bagyong Ulysses sa ilang lugar sa Luzon.

As of 10:00 AM, namataan ayon sa PAGASA ang mata ng bagyo 85km  West of Iba, Zambales.  May lakas ito na maximum sustained winds of 130 km/h malapit sa gitna at gustiness na aabot sa 200 km/h.

Sa Instagram post ni TV-radio anchor na si Connie Sison, makikita na ilang kalsada ang baha sa kanilang dinaanan.

 

 

Aniya, “Sometimes you just have to bow your head, say a prayer, and weather the storm.  Ingat po, mga Kapuso. #failedattempt #nowayout #typhoonulysses”

Nababahala naman ang award-winning GMA news pillar na si Arnold Clavio sa mga kababayan natin sa probinsiya ng Rizal at siyudad ng Marikina na may kinakaharap na matinding baha.

“Nakakabagabag ang mga imaheng ito na tumambad sa atin ngayong umaga. Lalo na sa mga residente ng Rodriguez, Rizal at Marikina na kagabi pa lang ay umakyat na sa kanilang bubungan dahil naging mabilis ang pagtaas ng baha dulot ng bagyong Ulysses."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nakakabagabag ang mga imaheng ito na tumambad sa atin ngayong umaga. Lalo na sa mga residente ng Rodriguez, Rizal at Marikina na kagabi pa lang ay umakyat na sa kanilang bubungan dahil naging mabilis ang pagtaas ng baha dulot ng bagyong Ulysses. Pero ang iisa nilang tanon? “NASAAN NA ANG RESCUE?” Ayon kay Mark Timbal, taga-pagsalita ng NDRRMC, alas-6 umaga ay dineploy na nila ang mga rescue team. Maging si Usec. Jojo Garcia ng MMDA ay nagsabi na nakalabas na lahat ng rubber boats nila para mag-rescue. Paliwanag ni GMA resident meteorologist @mangtanicruz dahil sa susunod na bagyo at La Niña, saturated na ang mga bundok at wala nang makapitan ang ulan na dala ni Ulysses. Pero mas marami pa ring ulan ang binuhos ni Ondoy. Kaya sa mga nasa sa bubungan ng kanilang bahay ngayon, hintay lang ng kaunti, “HELP IS COMING!” Lord! Help us. ????????????????????????

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan) on

 

Nagpaabot naman ng paalala ang resident Kapuso meteorologist na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz na dapat “I’m ready” ang lahat sa gitna ng nararanasan nating bagyo.

“Malakas na hangin at ulan patuloy na nararanasan sa Quezon City ngayong umaga. Maaring mabawasan ang mag pagulan at malakas na hangin simula mamayang hapon. Manatiling #imready mga kapuso.”

RELATED CONTENT:

Kapuso celebrities use social media power to inform the public about Typhoon Ulysses