Paano napasok sa mundo ng pagkanta ang dating extra na si John Gabriel? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilalanin ang singer na kumanta ng ‘O Pilipina’ sa exclusive interview ni Papa Obet sa Barangay LS Online.

Paano napasok sa mundo ng pagkanta ang dating extra na si John Gabriel?

By AEDRIANNE ACAR

Isa sa up and coming singer ngayon sa music scene ang OPM heartthrob na si John Gabriel.

Siya ang boses sa bagong single na ‘O Pilipina’ na kinompose ni Bryant Aunor.

Sa one-on-one interview ni John with Papa Obet sa Barangay LS Online, ibinahagi niya ang kanyang journey bago siya na naging singer.

Kuwento niya, “Nagsimula po ako actually years po e, dati nagta-talent ako. Nagti-taping-taping ako na passerby. And then six years ago po kasi nag-PM ako kay Daddy Wowie [Rozas] na manager ko po ngayon.

“And then ‘di niya po ako pinansin noon e, kasi masyado pa akong totoy, bata pa po ako noon. And then nangyari po, hinintay ko nga po six years then nakita niya po ‘yung mga recent photos ko and then ayun pina-call niya po ako for a meeting doon na po nag-start ‘yung journey ko and na-discover ako.”

 

 

Bata pa lamang si John Gabriel ay nahilig na siya sa pagkanta. Noong nasa high school siya naging vocalist siya ng banda na The Jaywalkers sa Immaculate Heart of Mary College.

Pagbabalik-tanaw niya, “Actually, second year high school doon ko po [nalaman] kaya ko pala kumanta sa stage, kaya ko pala i-present 'yung talent ko [and] humarap sa mga tao.”

Collaboration nila ni Bryant Aunor ang kanyang debut single na ‘O Pilipina’ na tungkol sa crush niyang babae.

Ani John, “May kuwento talaga yang ‘O Pilipina’ na yan e, kasi ‘yung composer po niyan si Bryant Aunor nagtutulungan po kami dalawa. Sabi niya po sa akin: ‘Tol, bigay mo sa akin ‘yung idea mo para sa kanta.’

“Sabi ko mayroon kasi ako type na babae ganyan, medyo cheesy, chessy pa nga noong una. Nagkukuwentuhan lang kami, tapos habang nagku-kuwentuhan lang kami, nagsusulat na pala siya [kanta], habang dini-describe ko ‘yung babae.”

Balikan ang full interview ni Papa Obet with John Gabriel sa Barangay LS Online sa video below.


RELATED CONTENT:

'The Clash' grand winner Jeremiah Tiangco, may natanggap na blessing ngayong pandemic

Garrett Bolden feels different performing on stage after being in home quarantine