'The Clash' grand winner Jeremiah Tiangco, may natanggap na blessing ngayong pandemic | GMANetwork.com - Radio - Articles

Excited na ba kayo sa single ng Kapuso heartthrob na si Jeremiah Tiangco under GMA Music?

'The Clash' grand winner Jeremiah Tiangco, may natanggap na blessing ngayong pandemic

By AEDRIANNE ACAR

Ongoing na ang promotion ng promising Kapuso singer na si Jeremiah Tiangco para sa first single niya under GMA Music.

Si Jeremiah ang itinanghal na The Clash season two grand champion at ngayon ay na-release na ang kanyang kantang 'Titulo' na sinulat ng OPM legend na si Vehnee Saturno kasama sina Ebe Dancel, Jungee Marcelo, and Top Suzara.

Sa panayam niya sa Barangay LS Online with Papa Obet, naikuwento ng guwapong binata na inaaral na nila ang naturang kanta bago ang finale ng all-original musical competition. 

Ani Jeremiah, “Ito pong kantang ito ay nabuo during The Clash, inaaral na po namin siya bago po mag-grand finals.

“Kami pong top five inaaral na po namin itong kantang ito na whoever wins dito sa The Clash na ito, siya ang magkakaroon ng first single, so it is titled 'Titulo.'

Ano nga ba ang buong kuwento ng “Titulo"?

Ayon sa Kapuso performer, “Itong song na 'to may lyrics siya: ‘Ano na nga ba tayong dalawa?’

“Lately ko lang din po na-realize kung bakit ‘Titulo’ ‘yung title ng kantang ito is ‘yun pala, label! Kung anong label niyo na mag-jowa.

“So, madaming makaka-relate dito sa kantang ito.”

 

Photo taken from GMA Music s Instagram account

 

Apektado man ng nararanasan nating pandemya, itinuturing pa rin ni Jeremiah na malaking blessing sa kanya na nakapag-release siya ng kanta.

Sinabi nito na pangarap ng bawat singer na makapag-release ng sariling single kaya dream come true para sa kanya ang "Titulo."

“Actually Papa Obet, sobrang blessed namin dito sa The Clash na 'to, kasi every artist's dream na makapag-record ng first single.

“And during pandemic, knowing na pandemic ngayon, sobrang blessed ako, beyond blessed ako na nakapag-produce kami ng isang bagong single ko.”

Catch the exciting interview of Papa Obet with Jeremiah Tiangco in the video below.

 

Garrett Bolden feels different performing on stage after being in home quarantine

Hannah Precillas, break muna sa mga birit songs with her new single

Paano nag-adapt ang girl group na XOXO ngayong pandemic?