Kyryll, sinabing unexpected ang pagkapanalo sa 33rd Awit Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pinarangalan si Kyryll bilang "Best Performance by A New Female Recording Artist" sa 33rd Awit Awards

Kyryll, sinabing unexpected ang pagkapanalo sa 33rd Awit Awards

By AEDRIANNE ACAR

Sinuklian ng ngiti ng Kapuso Soul Princess na si Kyryll ang tanong ni Papa Obet sa Barangay LS Online tungkol sa big win niya sa katatapos na 33rd Awit Awards.

Inuwi ng The Clash season 1 finalist ang award na "Best Performance By A New Female Recording Artist" para sa kanta na “Silent Rumblings” under GMA Music.

Sa one-on-one interview nila ni Papa Obet, umamin si Kyryll na nagulat siya sa pagkapanalo niya at mixed feelings na hindi niya personal na natanggap ang award dahil kasalukuyan siyang nasa Iloilo.

Sambit ng GMA Music talent, “Sa lahat ng sumuporta sa akin, sobrang overwhelmed and grateful po talaga as in hindi ko po talaga in-expect e.”

Dagdag niay, “Pero siyempre iba po talaga ‘yung feeling 'pag personal, 'di ba [tinaggap ‘yung award]? Pero para sa akin po parang okay din po sa akin ganito, kasi kasama ko ‘yung family ko, tapos magkasama kami nag-celebrate."

 

Kyryll s photo was taken from GMA Music s Instagram account

 

Napag-usapan din sa Barangay LS Online ang new single ni Kyryll na “Gunita” na siya mismo ang sumulat.

Ibinahagi niya kay DJ Obet kung ano ang naging inspirasyon niya sa bagong kanta niya with her record label.

Saad nito, “Kasi, that time po kasi noong sinusulat ko po ‘yung kantang ito, parang nagre-reminisce po ako. Hinalo-halo ko lang po sa kanta and doon sa chorus part pa na “gunita sana laging masaya na lang, 'di ba"

Balikan ang full interview with the Kapuso Soul Princess na si Kyryll sa Barangay LS Online sa video below.

RELATED CONTENT:

Hannah Precillas, break muna sa mga birit songs with her new single

Paano nag-adapt ang girl group na XOXO ngayong pandemic?