Paano nag-adapt ang girl group na XOXO ngayong pandemic?
September 25 2020
Tuloy ang laban ng GMA Music girl group na XOXO na binubuo ng ilan sa pinakamahuhusay na singers sa OPM industry.
Binubuo ang XOXO nina Riel, Lyra, Dani at Mel na talagang hindi matatawaran ang confidence on stage at napanood din sa reality singing competition na The Clash.
Nakapanayam ni Papa Obet ang Kapuso girl group sa Barangay LS Online, kung saan inusisa nito kung kumusta sila sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic at magkuwento tungkol sa bagong release nilang single.
Aminado si Riel na hindi madali ang mga nagdaang buwan para sa kanilang grupo na ang primary source of income ay tinamaan, dahil sa coronavirus.
Aniya, kailangan daw nila maging madiskarte para kumita ngayon.
“So far sa kalagayan po natin ngayong pandemic, of course at first po nahirapan po ako, kami, tayong lahat na mag-adjust.
“So, seven months na kami pala “no work, no pay”, so medyo mahirap po talaga noong una pero ngayon po naghahanap po kami ng paraan na puwede kaming alam mo ‘yun, magpakita sa mga tao, puwedeng kumita ganun.
“At saka adjust talaga, nag-adjust talaga ako. Tsaka ngayon naghanap ako ng paraan [para kumita], nagbebenta ako ngayon ng Kimchi.”
Sinegundahan ito ni Mel na kailangan talaga nila mag-adjust sa mga nangyayari, pero may idinulot din maganda ang pandemic na ito para sa kanyang pamilya.
“Tulad po ng lahat sa amin, nahirapan po talaga kami na mag-adjust lalo na po ako ‘yung pagiging singer ko po ‘yun po ‘yung parang bread and butter [namin].
“Tulad nang lahat po sa amin, bread and butter po ‘yung pagkanta.” saad ni Mel na dating napanood sa soap na Inagaw na Bituin.
Dagdag niya, “Ang maganda po na idinulot po sa akin nitong quarantine is ‘yung nakasama ko po ‘yung family ko, dahil nagkaroon po kami ng time.
“Tapos natuto po ako na makapagluto sa kanila, ‘yung makapag-bonding po kami ‘yun po ‘yung naging mas maganda po sa akin ngayong quarantine.”
Para naman kay Lyra na tila “liwanag” na maituturing na nakapag-release sila ng single ngayon with GMA Music.
Labis ang pasasalamat ng Kapuso singer sa management ng GMA-7, na nakaranas ng depression nitong mga nagdaan na buwan.
Paliwanag nito, “Ngayon super happy kami, kasi kahit mahirap mag-release ng single ngayon, nakagawa pa rin ng paraan para ma-launch ang aming single.
“And super nakaka-happy, masarap sa pakiramdam. Nakakagaan ng pakiramdam na makita ‘yung mga tao grabe ‘yung support sa amin as a group.
“And sa GMA Network, GMA Music, GMA Artist Center thank you so much din sa pagsalo sa amin.”
Nanatili din ang pagiging positibo ni Dani sa kabila ng nararanasan nating pandemya at pagbibida nito na pinili nila sa XOXO na maging productive habang may quarantine.
Paano kaya nila ito ginawa?
Kuwento ni Dani, “Mas active ako ngayon sa online ngayong quarantine, kasi siyempre lahat tayo nakatutok sa phone natin.
“And despite everything happening right now, blessed pa rin tayo, healthy tapos hindi tayo nagkasakit.
“Still, kahit nasa bahay ginagawa pa rin namin ‘yung best namin para maging productive like ‘yung kinaka-busihan po namin ngayon is nagli-livestream po kami palagi sa isang platform kung saan makapagppaatuloy po kami sa aming pagkanta [and] pag-interact sa mga fans namin .”
Learn more about their new single under GMA Music titled “We Are” in the video below.
Related content:
Comments
comments powered by Disqus