Barangay LS Online: Manolo Pedrosa, nakabasa ng 43 books habang naka-quarantine | GMANetwork.com - Radio - Articles

Can you beat Manolo Pedrosa’s record mga Kabarangay?

Barangay LS Online: Manolo Pedrosa, nakabasa ng 43 books habang naka-quarantine

By AEDRIANNE ACAR

It’s a different side of Manolo Pedrosa ang makikita natin sa bagong GMA Network online and infotainment show na Cool Hub!

Dito makakasama niya sina Yasser Marta, Ayra Mariano at Myrtle Sarrosa, kung saan magfi-feature sila ng hobbies, interests, at collections ng mga celebrities sa Cool Hub.

 

 

Sa panayam ni Manaolo sa Barangay LS Online, nagkuwento ito kay Papa Obet kung ano-ano ang dapat abangan ng netizens sa kanilang show.

Aniya, “Dahil sa new normal po [natin], GMA-7 is finding ways to adapt and I’m very grateful sa opportunity na ‘to na kahit papaano I’m able to work from home.

“So ang ginawa po ng GMA Artist Center is nag-launch po sila ng infotainment show, which is called ‘Cool Hub.

“Basically, it’s a show where we showcase different collections and hobbies such as arts and crafts, sports and anything under the sun naman na cool.”

Tulad ng maraming celebrities na tinamaan ang kanilang trabaho, dahil sa COVID-19 pandemic, pinili ng chinito cutie na si Manolo Pedrosa na maging productive kahit naka-quarantine sa bahay.

Sambit niya, “Okay naman po. As with everyone coping pa rin with the pandemic, kahit papaano staying productive and hoping for the best.”

Pagbibida nito na kahit wala siyang collections, nadevelop naman niya ngayong may pandemic ang love for reading.

Ilan libro kaya ang nabasa niya?

“Wala ako masyado collections. Pero hobbies, I would say marami naman. Dahil sa quarantine, I fell in love with reading, ever since hindi talaga ako reader.” saad ng former Inagaw na Bituin actor.

Dagdag niya, “Pero dahil sa quarantine at napakadaming oras, so wala akong magawa. I started reading and then I fell in love. And in the first three months nakabasa ako ng 43 books, if I’m not mistaken.”  

Catch Manolo Pedrosa’s full interview on Barangay LS Online in the video below.

Related content:

READ: Kate Valdez at Manolo Pedrosa, kinikilig na makatrabaho ang isa't isa?

Manolo Pedrosa has an advice to have a better life: meditate