John Vic De Guzman, paano pinagsasabay ang showbiz at volleyball? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para sa newbie Kapuso talent na si John Vic de Guzman, mahalaga ang pagbibigay ng focus sa anumang kanyang ginagawa, "Mahirap po talaga pagsabay-sabayin ‘yung mga bagay-bagay."

John Vic De Guzman, paano pinagsasabay ang showbiz at volleyball?

By AEDRIANNE ACAR

Hindi matatawaran ang pagiging multi-talented ng bagong Kapuso actor na si John Vic De Guzman na isa na ngayon sa mga talents ng GMA Artist Center.

 

New GMA Artist Center talent John Vic De Guzman

New GMA Artist Center talent John Vic De Guzman / Screenshot taken from Jon Vic De Guzman’s IG account

Sunod-sunod din ang guest appearance niya sa online shows ng Kapuso Network upang mas lalo siyang makilala ng mga Kapuso. Isa sa pinaunlakan niya ang Barangay LS Online with Papa Obet.

Sa panayam ni DJ Obet, sinabi ng athlete-turned-actor na masaya siya na tawagin ang sariling isang certified Kapuso.

Sabi ni John Vic, “Unang-una, masaya ako sa GMA Artist Center sa pagpili sa akin na maging part ng Kapuso family.

"And siyempre, excited na ako sa future projects at ayun pag back to normal na [kahit] paano malaking tulong ‘yung pag-improve ko ‘yung skill ko sa pag-arte kung saan man ako dalhin ng Kapuso.”

Nakilala man bilang isa sa top volleyball players sa Pilipinas si John Vic De Guzman, may iba pa siyang ginagawa tulad ng pagho-host, pagmo-model, pati na rin ang pag-arte sa pelikula.

Inusisa tuloy ni Papa Obet kung paano niya pinagsasabay ang lahat ng mga ito.

Paliwanag niya, “Actually, sobrang hirap for me kasi, unang-una, kailangan mo mamili ng specific na gusto mong gawin na magbibigay ka ng attention.

“Like noong 2019 SEA Games, mas pinili ko muna ‘yung paglalaro and to represent our country sa SEA Games and ang saya kasi nagbunga ‘yung sacrifices dahil naka-silver medal kami last 2019.”

Dagdag niya, “Sabi ko nga, kung may opportunity again para sa acting and then, suddenly, dumating itong si Kapuso.

"So, eto na ‘yung time for me siguro na mabigyan ‘yung chance ‘yung sarili ko na matututo sa acting industry.”

Binigyan-diin ng Kapuso actor na importante ang focus sa mga ginagawa niya at hindi maiiwasan na mag-sacrifice siya ng isang bagay pansamantala.

Pagpapatuloy ni John Vic, “Actually, mahirap po talaga pagsabay-sabayin ‘yung mga bagay-bagay.

"Though, minsan naman flexible tayo napagsasabay natin ‘yung acting, napagsasabay ‘yung paglalaro ng volleyball.

“Siguro ‘yung commitments lang pagdating sa volleyball, especially naglalaro ako sa commercial league. At the same time, naglalaro ako sa national team, 'tapos sasamahan ng acting.

“Siguro kailangan may isa akong i-turn down or bitawan muna.”

Panoorin ang buong panayam ni John Vic De Guzman with Papa Obet sa Barangay LS Online in the video below.

John Vic De Guzman, piniling tumulong kahit stranded sa Isabela noong ECQ

Volleyball superstar John Vic De Guzman officially joins GMA Artist Center

IN PHOTOS: Meet the newest Kapuso hottie John Vic De Guzman