Connie Sison, napa-throwback sa naging Christmas celebration nila noon sa Spain
August 24 2020
One week to go na lang at simula na ng “ber months” at para sa maraming Pilipino hudyat na ito nang simula ng Holiday season.
Pero sa likod ng excitement nang paparating na kapaskuhan, humaharap pa rin ang bansa sa malaking hamon dulot ng COVID-19.
Sa Instagram post ng seasoned TV/radio host Connie Sison, binalikan nito ang memorable trip niya kasama ang kanyang pamilya sa Spain last year kung saan nag-celebrate sila ng Christmas eve.
Pagbabalik-tanaw ni Connie, “Throwback to Christmas Eve last year in Donostia, Spain con mi Marido, Chris, y mis hijas. It was so much fun! We were at the beautiful and historical Plaza Consti with its teeming bars and restaurants which were filled with tourists and hispanic people alike singing Christmas songs.
“It was a happy and perfect memory of our 2019 Christmas.”
Napatanong tuloy ang Kapuso TV-radio host na kung paano mababago ang pagdiriwang natin mga Pinoy ng Pasko ngayong wala pa rin nakikitang solusyon sa coronavirus.
Ayon sa post niya, “Reminiscing everything about this festive celebration in Spain upon waking up today and I can’t help but wonder with only 8 days to go before the “Ber months”, how different will our celebration be like this year? Not at all sad. Just curious. Has it crossed your mind too?”
Kayo mga Kapuso, paano natin haharapin ang “ber months” sa gitna ng isang pandemya?
Related content:
READ: Connie Sison's heartfelt birthday message to late dad
Silipin ang kalye-serye inspired costume ng mga 'Unang Hirit' hosts
Comments
comments powered by Disqus