Super Radyo DZBB at Barangay LS, wagi sa 2020 Gandingan awards!
July 28 2020
Humakot ng parangal ang Super Radyo DZBB at Barangay LS Forever sa katatapos lamang na 2020 Gandingan Awards.
Nasungkit ng DZBB ang award for Most Development Oriented AM Station ngayong taon at kinilala din ito para sa kanilang ‘Eleksyon 2019 Infomercial’ bilang Most Development Oriented Radio Plug.
Kinilala din ang GMA News pillar at Asian Television awardee na si Mike Enriquez na Best AM Radio Program Host bilang anchor sa Saksi sa Dobol B!
Panalo din ang award-winning news personality na si Arnold Clavio at si Pia Arcangel bilang Best News Anchors sa late-night news nila na Saksi.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa pamamagitan ng Instagram si Arnold sa bagong parangal na kanilang nakamit ni Pia.
Sabi niya, “First of all , thank you so much to GANDINGAN for giving me and my partner @piaarcangel such a honor. This award improves my self-confidence .
“This award particularly recognizes my work and it gives an amazing feeling of getting awarded for the efforts that I put in. Kabahagi ko rin sa karangalang ito ang iba pang frontliner na kasama namin sa studio. News producers and production staff, mga taga-engineering at iba pa.
“I will assure you that i will do more hardwork lalo na sa gitna ng pandemic. Sama-sama tayo sa laban na ito. Walang iwanan. Pangako, ang kapusong ito ay patuloy na magiging bantay sa katotohanan ng bayan.”
Isa din sa mga kinilala sa 2020 Gandingan awards si DZBB host Nathaniel "Mang Tani" Cruz na nakuha ang Gandingan ng Agham at Teknolohiya.
Hindi rin nagpahuli ang ating mga papa at mama sa FM station na Barangay LS Forever.
Hinirang na Most Development Oriented FM station ang Barangay LS at nasungkit din ng Barangay Love Stories ang pagkilala bilang Most Development Oriented FM Program.
Idagdag pa diyan ang nakamit na “special citation” ni Renzmark Jairuz L. Ricafrente o mas kilala bilang si Papa Dudut.
Nag-post naman si Papa Dudut sa Facebook tungkol sa bagong parangal na nakuha nila ng buong Barangay LS team.
“Taos puso po akong nagpapasalamat!!! sa pamunuan ng Gandingan Awards 2020 ng University of the Philippines Los Baños!! Salamat po sa pagkilalang inyong pinagkaloob sa akin at sa aming programa at istasyon! Hindi po mababaliwala ang pagkilalang ito, baterya ko po ito upang mas lalong pagbutihin ang aking sarili at programa sa BARANGAY LS 97.1FM.”
Congratulations and more power, Super Radyo DZBB at Barangay LS Forever!
Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners
Kilig pa more!: Memorable love story of Papa Dudut in 'Barangay Love Stories'
Comments
comments powered by Disqus