Barangay LS Online: Julie Anne San Jose, hangad na maka-inspire sa gitna ng pandemic | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nais ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na maka-inspire sa pamamagitan ng kantang "Bahaghari," ang bagong collaboration nila ng award-winning rapper na si Gloc-9.   

Barangay LS Online: Julie Anne San Jose, hangad na maka-inspire sa gitna ng pandemic

By AEDRIANNE ACAR

Naniniwala ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa kapangyarihan ng musika, lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic.

Kaya hangad nila ng sikat na rapper na si Gloc-9 na makapag-inspire sila sa bago nilang single na “Bahaghari” under Universal Records.

 

Julie Anne San and Papa Obet

Screenshot from Barangay LS Forever Facebook

Sa exclusive interview ni Mr. Love Song Papa Obet sa Barangay LS Online sa multi-awarded singer, ikinuwento ni Julie ang key message ng bago niyang kanta.

Paliwanag ng Asia’s Pop Diva, “It’s very timely kasi ngayon nga po nae-experience natin itong pandemic po na ito di ba, siyempre hindi naman po natin maiwasan na pumasok sa isip natin na kelan ba ‘to matatapos?

“Parang hindi na ‘to mawawala, hindi na mawawala itong virus na ‘to but you know sa kabila po ng mga pinagdaanan natin together and of course sa mga sarili nating buhay may kasabihan nga po tayo di ba na ‘pagkatapos ng ulan may bahaghari palagi.’

“So, ayun po ‘yung key message nung song.”

Dagdag niya, “And nakakatuwa po, siyempre, ‘yung song na ‘yun ay gusto din po namin ibahagi sa ating mga Kabarangay na huwag sila mawalan ng pag-asa and siyempre gusto din namin na ma-uplift ‘yung spirits din nila na malalampasan naman natin lahat ng problemang ito.”

Nagkuwento din ang The Clash host sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon at sinabi nito na tutok siya sa Sunday musical variety show niya na All-Out Sundays.

Sambit ni Julie, “Okay naman ako madaming pinagkakaabalahan, siyempre every week kasi may All-Out Sundays. So, ‘kapag ka hindi Sunday, ‘tapos ‘yung following week na ‘yun nagre-ready kami ng mga production numbers, so may sarili kaming mga shoots and then naghahanda kami doon sa livestreaming namin.

“Pero kasi ito All-Out Sundays ini-air na po siya sa TV ulit, so mas kailangan din paghandaan kasi, siyempre, kailangan handa lahat, kailangan malinis lahat.

"Kailangan talaga maayos kasi, siyempre, ipapalabas siya sa TV.”


Barangay LS Online: Matthaios at Igiboy, bitter ba sa kanta nilang "Better Off Without You?"