Barangay LS Online: Matthaios at Igiboy, bitter ba sa kanta nilang 'Better Off Without You?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka-chikahan ni Mr. Love Song na si Papa Obet ang duo nina Matthaios at Igiboy tungkol sa tema ng kanilang bagong single.

Barangay LS Online: Matthaios at Igiboy, bitter ba sa kanta nilang "Better Off Without You?"

By AEDRIANNE ACAR

Siguradong magkaka-Last Song Syndrome kayo sa bagong kanta nina Matthaios at Igiboy na “Better Off Without You” na may temang moving on.

 

Screenshot taken from Barangay LS Forever Facebook

 

Nakapanayam ni Mr. Love Song Papa Obet sa Barangay Online ang talented duo para magkuwento tungkol sa kanilang new single.

Kuwento ng “Catriona” hit-maker na si Matthaios, inspired daw ang kanta ng personal experience ng mga tao na nakikita niya sa social media.

Wika niya, “’Yung akin po nung sinulat ko ‘yung [Better Off Without You] wala naman po talaga akong story na ganun. Hindi po siya ganun ka-personal sa akin.

“Pero nakikita ko po na sa social media, maraming ganun ‘yung nafi-feel ng mga tao na after nilang makipaghiwalay sa ex nila. Naging mas okay sila kasi sa toxic na relasyon."

Lumabas naman ang pagiging komedyante ni Igiboy nang ibahagi niya kung paano niya sinulat ang verse ng “Better Off Without You.”

“Siyempre ‘yung mga pinagdaanan ko na malalansang nakaraan [laughs].

“'Di ba lahat naman siguro tayo may experience sa ganun na parang bad sa atin, tapos nare-realize natin na kung kailan sila nawala saka naging okay.

“Parang na-relate ko ‘yung sarili ko doon na kung kelan naging single ako, doon ako nagkaroon ng asim.”

Diretsahan naman tinanong ni Papa Obet sina Matthaios at Igiboy kung “bitter” ba sila kaya nasulat nila ang single na ito.

Pinabulaanan ito ni Matthaios, sambit niya, “Ako hindi naman kasi “bitter” ‘yun. Kasi nga, “better” nga [laughs].

“Wala, parang mare-realize mo rin talaga na it’s for your own good naman. Minsan kailangan mo rin talaga maging selfish para sa ikabubuti mo at para doon sa kalagayan mo na ikakaayos.”

Sinegundahan naman ito ni Igiboy na positive daw ang mensahe ng kanilang single.

Dagdag niya, “Hindi naman sa ka-bitteran, positive ‘yung tema ng kanta para sa amin. Kasi para sa sarili naman, wala rin kaming binanggit na masasamang words para doon sa ex namin.

“Kumbaga, positive way namin pinalabas ‘yung kanta.”

 

SIKAT: JBK members, tuloy ang paggawa ng kanta sa gitna ng pandemya

SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ?

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine