READ: Connie Sison's heartfelt birthday message to late dad
July 16 2020
Hindi nakalimutan ng DZBB Super Radyo anchor na si Connie Sison na gunitain ang birthday ng pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay.
Sa Instagram kahapon, July 15, nag-post ang TV/radio host ng larawan ng kanyang yumaong tatay para ipagdiwang ang kaarawan nito.
Saad ni Connie, “Happy Birthday in heaven to my forever love. I Love and miss you so much Daddy!!!!”
Isang uliran na anak ang seasoned news personality na napapanood din natin sa shows na Unang Hirit at Pinoy MD.
Sa episode ng Follow That Star noong 2013, ibinahagi ni Connie ang buhay niya sa likod ng kamera, kung saan kahit sobra niyang busy ay naalagaan pa rin niya ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
Kuwento ng Kapuso host sa episode, tinawag niya na isang “milagro” na nagising ang kanyang nanay matapos ma-comatose ng ilang linggo.
Pagbabalik-tanaw noon ni Connie, “Way back 2006 na-comatose siya, lahat kami dasal ng dasal lang siyempre. We were really holding on to God para sa isang magandang balita.
“And she woke up from a coma. From a five-week coma and we will never forget na yan ‘yung isa sa happiest Christmas na talagang pinagdaanan as a family.”
May sweet post din si Connie Sison para sa ina noong nakaraang Mother’s Day.
“Happy Mother’s Day to my Mommy in heaven and to all the other beautiful moms out there. Good Morning!!!”
Lyn Ching on "new normal" on the set of 'Unang Hirit': "It's a jarring reality..."
Suzi Abrera back in 'Unang Hirit' after 4 months, shares "new normal" on the set
Comments
comments powered by Disqus