Barangay LS Online: Anthony Rosaldo, pahirapan ang pag-record ng bagong single na 'Pwedeng Tayo'  | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mas piniling maging productive ng Kapuso singer na si Anthony Rosaldo sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. Panoorin ang buong kuwento niya sa Barangay LS Online tungkol sa recording  ng kanyang bagong single under GMA Music.

Barangay LS Online: Anthony Rosaldo, pahirapan ang pag-record ng bagong single na 'Pwedeng Tayo' 

By AEDRIANNE ACAR

Hindi naging hadlang ang nagdaan na community quarantine para hindi imaging productive ang The Clash alum na si Anthony Rosaldo.

Bunga ng tiyaga at pagiging maabilidad ang latest single niya with GMA Music na "Pwedeng Tayo."

Apat na musician ang nagtulong-tulong para sa kantang ito ni Anthony sa pangunguna nina Sir Vehnee Saturno, Davey Langit, Jonathan Manalo at Edwin Marollano.

Sa exclusive interview ng Kapuso singer-heartthrob sa Baragay LS Online, ibinahagi nito ang kuwento sa likod ng kanyang bagong kanta.

Aniya, “Medyo may twist itong kantang ito sa umpisa akala mo puwede kayo, pero hindi pala kayo puwede.”

Dagdag niya, “Magulo siya e. Dalawang indibdwal na nagkagustuhan pero at the wrong time. Pareho silang taken na.

“So, later on mare-realize na hindi pala talaga sila puwede, dahil mayroon silang mga nasaktan tao ito ‘yung ang story ng Pwedeng Tayo.”

Ipinagmamalaki rin ni Anthony Rosaldo na nagawa niyang i-record ang "Pwedeng Tayo," kahit naka-lockdown siya sa bahay, katuwang ang record label niya na GMA Music.

Binalikan pa nito ang mga naging challenges sa pagre-record nito.

“Bago mag-pandemic planado na kami mag-record nakapili na ako ng kanta, which is itong 'Pwedeng Tayo' kaya lang naabutan ng pandemic, so lahat sarado, hindi puwede pumunta sa studio.

“So we figure out kami ng GMA Music kung paano namin  matutuloy ‘yung recording. So, ako naman may gamit ako sa bahay, hindi nga lang siya state-of-the-art, hindi siya ‘yung pinaka-top-of-the-line na pang-record.

“Simpleng condenser and microphone, tapos nagbatuhan na lang kami mga materyal. Nag-effort talaga kami para at least kahit pandemic productive pa rin kami di ba?”

 

 

Anthony Rosaldo dedicates song to people who are greatly affected by the COVID-19 pandemic