SIKAT: Betong Sumaya, relatable daw ang 'Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Recording artist na ang former ‘Survivor Philippines’ grand winner na si Betong Sumaya!

SIKAT: Betong Sumaya, relatable daw ang "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko"

By AEDRIANNE ACAR

Mula sa biru-biruan, nagkatotoo ang pangarap ng comedian-singer na si Betong Sumaya na magkaroon ng sarili niyang single.

Celebrities, suportado ang debut single ni Betong Sumaya

Ito ang sinabi ng Bubble Gang star sa panayam niya sa online chikahan nila ni Papa Obet sa radio program na Sikat sa Barangay LS Forever.

Kuwento ni Betong, “Tinanong nila ako kung ano ‘yung gusto ko gawin sa career ko, sabi ko gusto ko magkaroon ng single, actually parang katuwaan lang.

“Hindi ko alam na totohanin pala [laughs].

“Nagulat na lang ako nang mayrun ng contract signing, ‘Hala! Totoo na ito!”

Sapul sa puso ng mga Kabarangay na sawi sa pag-ibig ang kantang sinulat ni Jerry Olaguera na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" na ni-release ni Betong Sumaya under GMA Music.

Bakit akma ang hugot song ni Betong ngayong may pinaiiral na quarantine at nakakulong tayo sa mga bahay?

Paliwanag niya, “Actually itong song na ito was written by Jerry Olaguer, it’s a novelty song punong-puno ng hugot.

“Kasi title pa lang ‘yung mahal mo, e, minahal ng iba. So ang sakit nun!”

“Dito sa song na ito ‘yung bestfriend niya nagkatuluyan sila nung minamahal niya [and] ang ending naiwan ako,

“Sabi ko nga paano natin mako-connect sa sitwasyon natin ngayon, sabi ko lahat tayo naka-ECQ, naka quarantine dahil sa COVID-19 pero may mga naka-quarantine dingmga puso dahil sa bigong pag-ibig .”

Ulit-ulitin ang tawanan sa panonood kay Betong Sumaya sa Sikat sa video below.

 

SIKAT: JBK members, tuloy ang paggawa ng kanta sa gitna ng pandemya

SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ?

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine