SIKAT: JBK members, tuloy ang paggawa ng kanta sa gitna ng pandemya
June 18 2020
Hiwa-hiwalay man ang miyembro ng JBK, na binubuo nina Joshua Bulot Bryan del Rosario, at Kim Ordonio, ngayong may COVID-19 pandemic, nagawa pa rin nilang makasulat ng mga kanta na tiyak na magugustuhan ng kanilang fans.
SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ?
Tampok ang tatlo sa latest online video ni Papa Obet sa Sikat, kung saan nagbigay sila ng update kung anu-ano ang mga nangyari sa kanila matapos ma-implement ang enhanced community quarantine.
Kuwento ni Bryan na masuwerte siyang nakauwi sa Iloilo bago mag-lockdown sa Metro Manila.
Aniya, “Suwerte ako dahil din kasama ko ‘yung parents ko noon, so parang nalaman nila na, tutok sila sa balita nung nalaman nila na maglo-lockdown ayun pinabook ako kaagad ng pauwi. So, the next day nakauwi kami agad.”
Para naman kay Kim, “best time” ang lockdown para makapagsulat sila ng kanta.
Bida niya kay Papa Obet, in constant communication silang tatlo kahit nasa gitna ng pandemya.
Ani Kim, “Nagli-live din kami ayan sabi nga ni Josh nagla-live kami sa isang app. ‘Tapos workout, and of course, nagsusulat din kami ng songs.
"So, ‘pag may nasulat ‘yung isa sinasabi na namin agad-agad.
“Kasi, ito naman din ‘yung best time para makapagsulat ka, puwede ka humugot sa COVID.”
Excited naman ang JBK sa bagong release nilang single na "Sana Naman," na available na in all digital music platform worldwide.
Ayon sa hottie na si Joshua Bulot, dapat abangan ng kanilang supporters ang lyric video ng "Sana Naman."
“Before lockdown talaga, naka-plano na ‘yan, may music video and all. Magsho-shoot na kami and all, ‘tapos biglang nag-lockdown.
“So, sakto na lang din, e, ni-release na lang din namin. Pero may ilalabas din kami na parang lyric video na shinoot namin sa London.”
Balikan ang full interview ng JBK sa Sikat sa video below.
SIKAT: Psalms David, naiyak nang i-release ang GMA Music single na "Di Na Magtatagal"
SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine
Comments
comments powered by Disqus