Arnold Clavio, pinaalalahan ang mga magulang na bigyan proteksyon ang kanilang anak sa tuwing lalabas ng bahay
June 17 2020
Matapos ang desisyon ni President Rodrigo Duterte na i-extend ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang June 30, nabahala ang GMA News pillar na si Arnold Clavio sa mga nakita niyang menor de edad sa kalsada na walang suot na face mask.
Sa Instagram post ng Dobol B sa News TV anchor, ipinakita niya ang ilang kuha niya sa Tondo, Manila at sa Manggahan Floodway, kung saan nagkalat ang mga bata.
Nagpaalala si Igan sa mga magulang na huwag balewalain ang panganib na dulot ng COVID-19 at may umiiral na guidelines na bawal lumabas ang edad 21 years-old at pababa.
“Nakakasakit ng loob na nilalagay ng kanilang mga magulang o kaanak ang mga bata sa panganib ng banta ng COVID19.
“Extended GCQ tayo sa Metro Manila kung saan nananatili na bawal lumabas ng bahay ang edad 21 yrs old pababa at 60 yrs old pataas.
“Kaunting respeto naman sa mga binibigyan ng tamang proteksyon ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay.”
'Dobol B sa News TV' patuloy ang serbisyong totoo sa ika-3 anibersaryo
Para sa mas komprehensibong pag-uulat tungkol sa COVID-19 pandemic, palaging tumutok sa Dobol B sa News TV at Super Radyo DZBB.
Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners
'Dobol B sa News TV' patuloy ang serbisyong totoo sa ika-3 anibersaryo
Comments
comments powered by Disqus