SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ibinahagi ni Kapuso actress Bianca Umali sa programang 'Sikat,' kung paano niya ginamit ang panahon ng enhanced community quarantine.

SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ?

By AEDRIANNE ACAR

Pinagtuunan ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kanyang mental health habang nasa bahay noong may enhanced community quarantine.

Ito ang sinabi ni Bianca sa panayam niya kay Papa Obet sa radio program na Sikat

Sa halip  daw na magmukmok, nag-focus daw siya sa pagme-meditate na nakatulong sa kanya ng husto.

 “Very happy and siguro fulfilled po with the simplest things of life, kasi ‘yun nga marami din po ako natutunan during the ECQ (enhanced community quarantine) being quarantined with the family and being inside the house for how many months.

“And to appreciate ‘yung bawat segundo ng bawat araw.”

Dagdag niya, “Ang latest discovery ko sa sarili ko is when I learned how to meditate.

“Actually, hindi ko inakala ever na mae-enjoy ko siya but natutunan ko siya and I actually do it daily now. Mas calm ako everyday and mas clear ‘yung pag-iisip ko, which is actually a great thing for me personally.”

Blessing in disguise din para sa GMA Artist Center beauty ang home quarantine with her whole family, dahil ibinuhos naman niya ang kanyang atensyon sa kanila.

Ani Bianca, “nagbayad siya ng utang” para sa mga oras na hindi niya kapiling ang mga ito, dahil sa kanyang trabaho.

“Siguro ngayon napagbayaran ko na ‘yung mga oras na wala po ako sa bahay, na hindi ko po sila kasama. Ngayon, napagluluto ko sila araw-araw, ngayon nakakapaglinis na ako para sa kanila.

“Mas nakapag-spend ako ng mas maraming oras with them”

Balikan ang full interview ni Bianca Umali sa Sikat sa video below.

 

SIKAT: Psalms David, naiyak nang i-release ang GMA Music single na "Di Na Magtatagal"

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine

Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven'