Arnold Clavio, napa-"Sino" sa nagbabalik na kasamahan sa 'Dobol B sa News TV'
June 04 2020
Ilang buwan ding hindi nakasama ng award-winning TV/radio anchor na si Arnold Clavio ang kapwa co-host niya sa Dobol B sa News TV na si Mike Enriquez.
Award-winning anchor Arnold Clavio, buong-puso ang pasasalamat sa mga bumubuo ng 'Dobol B sa News TV'
Kaya sa Instagram post ni Arnold nitong Lunes, June 1, binigyan niya ng mainit na welcome ang GMA News pillar at Asian Television Awards winner.
Sabi ni Igan sa post niya, "SINO!!! Welcome back Mr. Mike Enriquez. Photo courtesy of @dondi518 @dzbb594 Radyo na! TV pa!"
Bukod diyan, excited din si Arnold sa pag-ere muli ng late night newscast niya na Saksi kasama si Pia Arcangel.
IN PHOTOS: Multi-awarded news anchor Mike Enriquez remains with GMA Network
Kaya tumutok sa malawak, komprehensibo at mas pinagkakatiwalaan na coverage ng Dobol B Sa News TV at Saksi ng COVID-19 pandemic sa GMA News TV at GMA-7.
Comments
comments powered by Disqus