SIKAT: Psalms David, naiyak nang i-release ang GMA Music single na "Di Na Magtatagal"
May 30 2020
Natupad ang pangarap ng The Clash season one finalist na si Psalms David nang ma-release ang single niyang "Di Na Magtatagal" under GMA Music.
Sa chikahan ni Psalms with Sikat host Papa Obet kahapon, May 29, umamin ang promising Kapuso singer na naiyak siya nang mailabas ang kantang ito.
Saad niya, "Nung una ko po siya narinig noong naka-release na hindi ko napigilan umiyak.
"Sobrang fulfilled nung feeling , 'tapos sobrang blessed kasi matagal ko ng prayer 'yun e.
"'Tapos eventually ayun dininig na ni Lord."
Ayon pa sa The Clash contestant, agad niyang nagustuhan ang kantang "Di Na Magtatagal" noong una daw itong pinarinig sa kanya.
Kuwento ni Psalms, "Ang sumulat po nung 'Di Na Magtatagal is Sir. Moses po.
"Actually, matagal na niya po na nasulat yan and nakita ko nga po 'yung first video na ginamit niya ata sa church 'yun.
"'Tapos sobrang blessed ko po nung pinarinig sa akin, pinarinig sa akin dalawang kanta 'yun agad 'yung nagustuhan po naming lahat. Nag-agree po kami lahat na 'yun ang gagamitin."
Balikan ang full interview sa Sikat ni Psalms David sa video below.
SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine
Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven'
Comments
comments powered by Disqus