'Dobol B sa News TV' patuloy ang serbisyong totoo sa ika-3 anibersaryo | GMANetwork.com - Radio - Articles

Umasa na sa ikatlong taon ng 'Dobol B sa News TV' buong puwersa itong nakatutok sa special coverage ng COVID-19 pandemic.  

'Dobol B sa News TV' patuloy ang serbisyong totoo sa ika-3 anibersaryo

By AEDRIANNE ACAR

Sa loob ng tatlong taon malaki ang naging kontribusyon ng 'Dobol B sa News TV' sa pagbibigay ng napapanahong balita at serbisyong totoo sa mga Filipino.

Dobol B sa NewsTV certified trending sa kanilang pilot airing

Patunay lamang ng malaking ambag ng programa sa pamamahayag ay ang mga pagkilalang iginawad dito mula sa Catholic Mass Media Awards, Gandingan Awards at iba pang award-giving bodies na humanga sa mga dekalibre nitong programa at mga pinagkakatiwalaang anchors at reporters. 

At ngayong humaharap ang bansa sa isang malaking hamon dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic, asahan na patuloy ang 'Dobol B sa News TV'  sa paghahatid ng serbisyong totoo at napapanahong balita kasabay ng pagdiriwang nito ng kanilang ika-3 anibersaryo. 

EXCLUSIVE: Mike Enriquez approves of longer hours for 'Dobol B sa News TV': "Mas maraming oras makapaglingkod."

Super Radyo DZBB anchors, naniniwala na 'team effort' ang susi ng kanilang mataas na ratings

Sa pangunguna ng GMA News Pillar at Asian Television Awards Best Newscaster na si Mike Enriquez, katuwang ang award-winning DZBB news anchors na sina Arnold Clavio, Ali Sotto, Joel Reyes Zobel,  Melo del Prado, Susan Enriquez, Rowena Salvacion at iba pang pinagkakatiwalaang mamamahayag , patuloy ang buong puwersa DZBB sa pagbibigay ng mga balita na "walang kinikilingan at walang pinoprotektahan." 

Tumutok sa higit na mas "pinagkakatiwalaan" na special coverage ng COVID-19 pandemic sa 'Dobol B sa News TV.'