Alden Richards, buong puso ang pasasalamat sa mga tumutulong sa project ng RMHC Philippines na 'Kindness Kitchens'
April 02 2020
Nakakataba sa puso ayon kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang bayanihan na pinapakita ng mga Pilipino ngayong may krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam nina Joel Reyes Zobel at Weng dela Peña sa kanya sa Super Radyo DZBB ngayong umaga, April 2, taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso actor sa mga tao at organizations na tumutulong sa Ronald McDonald House Charities (RMHC) Philippines.
Matatandaang celebrity ambassador si Alden ng RMHC Philippines.
Base sa Facebook account ng McDonald's Philippines, abala ang RHMC sa pagtulong sa mga frontliner at communities in need sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng meals through their Kindness Kitchens.
Saad ni Alden na nakapagbigay na ito ng mahigit sa 100,000 meals.
Aniya, "Sa mga organizations po pati sa mga kumpanya na patuloy na tumutulong sa pamamagitan ng pagtulong sa Ronald McDonald House Charities, maraming, maraming salamat po.
"Nasabi nga po ni Sir Kenneth kanina na lagpas na po tayo sa 100,000 meals na naipamigay. Dahil po 'yan sa pagtutulungan ng mga kababayan po natin."
Nagbigay din ng mensahe ang aktor sa frontliners at sinabi nito na ipinagdadasal sila ng lahat.
"And sa mga frontliners po, mag-iingat po kayo. We are always praying for you. We are here for you at sa mga kababayan po natin, kapit-kapit lang po tayo.
"Habaan lang po natin ang pasensya. 'Yun lang po siguro."
Sa mga hindi nakakaalam, frontliner din ang kapatid ni Alden Richards. Isang nurse sa California ang kuya niyang si RD Faulkerson.
MORE CORONAVIRUS DISEASE UPDATES:
Trendzone: Vico Sotto, celebrities who raise funds to help those affected by COVID-19, and more!
Mga celebrities na may pamilyang healthcare workers o frontliners
Comments
comments powered by Disqus