Arnold Clavio, taos-puso ang pasasalamat sa mga nag-donate ng mga PPE sa iGAN foundation | GMANetwork.com - Radio - Articles

Multi-awarded TV and radio anchor Arnold Clavio, nakalikom ng donasyon para sa mga personal protective equipment ng frontliners.  #WeHealAsOne

Arnold Clavio, taos-puso ang pasasalamat sa mga nag-donate ng mga PPE sa iGAN foundation

By AEDRIANNE ACAR

Busy man sa COVID-19 coverage ng GMA News at DZBB si Arnold Clavio, pinipili pa rin nito gumawa ng paraan para makatulong sa mga healthcare worker na punong-abala sa paglaban sa coronavirus pandemic na kinakaharap ng bansa.

Sa Instagram post ng award-winning TV/radio anchor last Sunday, March 29, ibinahagi nito na nakalikom ang kanyang iGAN foundation ng donasyon para sa personal protective equipment (PPE) paa sa frontliners. 

Ang iGAN NG PILIPINAS FOUNDATION, INC. ay isang non-profit organization na tinatag ni Arnold Clavio noong 2001 para tulungan ang mga bata na may life-threatening disease.

Sa post ni Arnold, pinasalamatan din niya ang mga co-host niya sa morning show na Unang Hirit na sina Ivan Mayrina, Connie Sison, Mariz Umali at Susan Enriquez sa pinaabot nilang tulong. 

"Thank you, Lord. Been busy the whole day. Inaayos ko po ang distribution ng n95 masks, aerosol box, helmets and PPEs sa iba’t ibang hospital sa Metro Manila.

"Maraming salamat sa ating mga donor na nagtiwala sa Igan Foundation - sina Nestor, Angie, Peter at lahat ng miyembro ng @vga_golf at pati mga kasama ko sa @unanghirit sina @ivanmayrina @connie_sison @susan_enriquez at @marizumali."

Humiling din siya sa mga tao na patuloy na magbigay ng donasyon para sa frontliners para makakuha sila ng PPEs na ibibigay sa mga ito. 

"Sa mga nais na magbigay pa ng donasyon at tulungan ang ating mga frontliner, narito po ang gagawin - makipag-ugnayan sa Metrobank branch o on line, ACCOUNT NAME: IGAN NG PILIPINAS FOUNDATION ACCOUNT NUMBER - 180-7-180-511-00-4 . Kuhanan ang inyong deposit slip at ipadala niyo sa aking IG account @akosiigan o sa aming facebook Igan Foundation, Philippines. May God bless you all. We heal as one. #wehealasone"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you Lord. Been busy the whole day. Inaayos ko po ang distribution ng n95 masks, aerosol box, helmets and PPEs sa iba’t ibang hospital sa Metro Manila. Maraming salamat sa ating mga donor na nagtiwala sa Igan Foundation - sina Nestor, Angie, Peter at lahat ng miyembro ng @vga_golf at pati mga kasama ko sa @unanghirit sina @ivanmayrina @connie_sison @susan_enriquez at @marizumali . Sa mga nais na magbigay pa ng donasyon at tulungan ang ating mga frontliner, narito po ang gagawin - makipag-ugnayan sa Metrobank branch o on line, ACCOUNT NAME: IGAN NG PILIPINAS FOUNDATION ACCOUNT NUMBER - 180-7-180-511-00-4 . Kuhanan ang inyong deposit slip at ipadala niyo sa aking IG account @akosiigan o sa aming facebook Igan Foundation, Philippines. May God bless you all. We heal as one. #wehealasone “A life not lived for others is not a life.” – Mother Teresa

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan) on


Base sa latest statistics ng Department of Health (DOH) kahapon, March 29, may 1,418 na tao ang may COVID-19 sa bansa at 71 naman ang namatay. 

Dumami naman ang gumaling mula sa sakit na nasa 42. 

 



MORE ON THE CORONAVIRUS UPDATE:

 

HEROES: The fallen doctors who fought against COVID-19

Iza Calzado, positibo sa COVID-19

GMA Artist Center stars help raise funds through #HealingHearts, an online donation campaign