Newest Super Radyo DZBB anchor Weng dela Peña, ibinahagi ang mga isyu na malapit sa kanyang puso | GMANetwork.com - Radio - Articles

Abangan ang mas pinalakas na ‘Dobol B Balitang Balita’ hosted by Weng dela Peña.

Newest Super Radyo DZBB anchor Weng dela Peña, ibinahagi ang mga isyu na malapit sa kanyang puso

By AEDRIANNE ACAR

Lalong pinatindi ng nangugunang AM station sa Metro Manila na Super Radyo DZBB ang kanilang morning lineup sa pagdating ng bago nilang radio anchor na si Weng dela Peña.

Si Weng ang maghahatid ng balita at impormasyon sa Dobol B Balitang Balita.

 

 

Bago opisyal na naging Kapuso si Weng ay dati siyang anchor sa Radyo Pilipinas at naging station manager din ng 104.7 Brigada News FM.

Sa kanyang one-on-one interview with GMANetwork.com, ibinahagi ng Ateneo de Zamboanga University alum na nagsimula siya sa mundo ng radio hosting noong third year high school. Nag-apply siya na maging disc jockey sa isang bagong tayong FM station sa Zamboanga City.

Aniya, "Nag-try din, pumasa naman sa awa ni Lord. It helped me out with my studies, kasi working student ako at that time.

“'Yung mother ko OFW, nagkatulong sa Kuwait.'Yung father ko medyo at that time mahirap din.”

Pagpapatuloy ni Weng, malaking bagay na nahilig siya sa radyo na naglayo sa kanya sa mga bisyo.

“We live in an area na very notorious dun sa lugar namin.

"Notorious in terms of drugs and crime, parang Tondo sa lugar namin, pero luckily hindi naman ako napunta sa mga bisyo. I was guided by my Lola."

Paano naman kaya niya na-realize na career sa radyo ang gusto niyang tahakin?

Kuwento nito, "Back in the province, ang pinakikinggan very popularly ay AM station. So gabi-gabi bago matulog, wala kaming TV e. Nakikinood lang ako ng TV, the only thing na meron ay radyo.

"Tapos in those shows sa gabi, 'yung mga announcer na malalaki 'yung boses, tapos 'yung mga reporter nasa labas and I find it, sabi ko 'ang galing ah.'

"And they get to influence you, you get to believe in what they say. The next day 'yun ang mga pinag-uusapan namin ng nanay ko, tatay ko sa gabi. So the AM was vey influential to me."

Bilang bagong radio anchor ng pinagkakatiwalaan at number one AM station sa Metro Manila, ibinahagi din niya ang ilang isyu na gusto niya talakayin sa kanyang programa.

"I'm more into poverty alleviation, 'yun talaga. And to make sure na we spend a lot in povery alleviation and education, 'di ba?

"Kasi naririnig natin everytime pinagmamalaki na malaki ang budget, may budget for education, kalaki! May budget for food, poverty. Malaki, pero parang walang nangyayari."

Dagdag niya, "So how do we make sure na we get the government or anyone, any persona or agency be answerable doon sa mandato ninyo na pagsilbihan ang mahihirap?

"Kasi, kung nasusuportahan talaga ang education, walang mahirap.

"Those are two na malapit sa puso ko because I came from a poor family na struggling. I hope we can make a difference through our on-air opportunity to reach out."

Taos-puso din ang pasasalamat ni Weng sa mga kapwa DZBB anchors tulad nina Arnold Clavio at Melo del Prado na nagbigay ng ilang tips kung paano niya magagampanan ang kanyang trabaho.

"Una 'yung pag-welcome nila. It was a warm welcome and I'm happy na tinanggap nila ako ng buong-buo and then they gave me tips on how to be presentable on air, how is the DZBB tonality and presentation.

"Tapos sina Igan, we had a little chat on commenting on issues, he shared a few tips.

"And then si Melo, Melo is a friend of mine ever since talagang malaki rin ang tiwala niya na I can deliver it."

Gumising nang maaga mga Kapuso at tumutok sa mga nagbabagang balita sa Dobol B Balitang Balita ni Weng dela Peña from 4:30 to 5:30 AM, Lunes hanggang Biyernes!