WATCH: Princess Velasco, aminadong kinabahan sa kanyang version ng 'Ikaw Nga'
February 06 2020
Bibigyan ni Kapuso acoustic singer Princess Velasco ng sarili niyang flavor ang hit single ng South Border na "Ikaw Nga" na naging official soundtrack ng telefantasya series na Mulawin.
Ayon sa panayam ni Princess kahapon sa Sikat, February 4, inamin niya kay Papa Obet na nakakatakot daw kantahin ang ganito klaseng hit song.
Wika niya, “Oh my goodness, hindi talaga! Nagwo-work pa ako dito [sa GMA NMI] noong lumabas ‘yung Mulawin kaya alam ko 'yan. Ako ‘yung nag-aayos ng ringtone niyan dati.
“Siyempre ‘yung mga lyrics niyan napakaganda, ang melody napakaganda, at nakakatakot siya kantahin actually e.”
Tinutukan ni Princess, together with her record label na GMA Music, ang remake ng single na ito para mabigyan nila ng acoustic feel kumpara sa original nito na R&B.
Paliwanag niya, “’Yung 'Ikaw Nga.' siyempre lahat tayo una natin siyang narinig yan sa Mulawin, lalo na si Aguiluz, si Alwyna ‘yung mga feels natin.
“Pero of course itong 'Ikaw Nga' na version ko, medyo acoustic ‘yung feel. Medyo relax lang, compared dun sa original na R&B talaga.
"Napakagaling ng South Border. At siyempre ang sumulat nito ay walang iba kundi si Jay Durias. Ang nag-arrange nito si Mr. Jun Tamayo, and of course produced by Mr. Keddy Sanchez from GMA Music.”
Watch Princess Velasco’s full interview in Sikat with Papa Obet in the video below.
EXCLUSIVE: Ano ang naging challenge ni Princess Velasco sa kanyang cover ng "Ikaw Nga?"
Princess Velasco and Angel Guardian find best opportunities with GMA Music
LISTEN: Princess Velasco's "Ikaw Nga" is now available for streaming
Comments
comments powered by Disqus