WATCH: Bryan Chong, humugot sa personal experience para sa kantang 'Takipsilim'
January 30 2020
Sulit ang three years sa pagsusulat ng GMA Music talent na si Bryan Chong sa kanta niyang ‘Takipsilim.’
Sa radio guesting ni Bryan sa Sikat radio show ng Barangay LS yesterday, para i-promote ang newest single niya, ibinahagi niyang tungkol sa panlalamig ng isang relasyon ang tema ng kanyang bagong kanta.
Kuwento ni Bryan kay Papa Obet, “’Yung kuwento kasi nung song na ‘to is about panlalaming ng relasyon. ‘Yung mga maliliit na bagay na hindi pinapansin ng mag-partner, lumalaki hanggang sa nagiging rason ng paglayo ng loob ng bawat isa.”
Ibinahagi din niya ang rason kung bakit naiisip niya ang title na ‘Takipsilim’ for his song.
“Tapos nasa gitna ka ng umaga at saka gabi parang it symbolizes na happiness and sadness."
Sa pagtatanong ni Papa Obet, napa-amin nito si Bryan na hango sa personal experience ng binata ang new song niya from GMA Music.
Ano kaya ang nangyari sa kanyang past relationship kaya na-inspire siya sa pagsulat ng ‘Takipsilim?’
Panoorin ang full interview ni Papa Obet kay Bryan Chong sa videos below.
Available na ang 'Takipsilim' sa streaming sites mula kahapon, January 28.
Comments
comments powered by Disqus