Super Radyo DZBB anchors, naniniwala na 'team effort' ang susi ng kanilang mataas na ratings | GMANetwork.com - Radio - Articles

Lubos ang kasiyahan ng mga respetado at multi-awarded radio broadcasters ng flagship AM station ng GMA Network na Super Radyo DZBB matapos manguna sa ratings noong buwan ng Septyembre base sa datos mula sa Nielsen Radio Audience Measurement.

Super Radyo DZBB anchors, naniniwala na 'team effort' ang susi ng kanilang mataas na ratings

By AEDRIANNE ACAR

Walang sawang pasasalamat mga Kapuso!

Lubos ang kasiyahan ng mga respetado at multi-awarded radio broadcasters ng flagship AM station ng GMA Network na Super Radyo DZBB matapos manguna sa ratings noong buwan ng Septyembre base sa datos mula sa Nielsen Radio Audience Measurement.

Super Radyo DZBB dominates Mega Manila's AM radio list with top-rating programs

Super Radyo DZBB, mas pinagkakatiwalaan at nangugunang AM station sa buwan ng Setyembre

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa radio anchors ng DZBB sa panguguna ng Asian Television Awards Best Newscaster at GMA News Pillar na si Mike Enriquez nitong Miyerkules, October 9, sinabi nitong “It’s all in a days work, we get paid by the network to make the station number one at saka hindi ito ang first time.

“So it’s nothing new, hindi sa pagmamayabang, this is nothing new to DZBB. It’s a challenge climbing up to be number one, it’s an even a greater-greater challenge to remain number one.”

Si Mike Enriquez din ang tumatayong President ng RGMA Network Inc. 

Para naman kay Ali Sotto na katambal ng highly-acclaimed TV/radio presenter na si Arnold Clavio sa programa na ‘Dobol A sa Dobol B,’ sinabi niya na ‘overwhleming’ ang sinukli ng listeners sa effort na ginagawa nila sa araw-araw.

Wika niya, “Of course we are ecstatic! Kasi nga we are reaching a wider audience as you put it - sukli [sa lahat ng effort]”

“Alam mo ang inaalala ko because kanta-kanta, tawanan [kami sa programa] 'di ba, minsan inaalala ko baka hindi nila naa-appreciate ‘yung trabaho na pinupuhunanan mo talaga bago ka mag-show.

“Para lang matalakay ‘yung mga isyu pero sa paraan na hindi sila mababagot, sana hindi mawala ‘yung substance. So, ngayon dahil nga sa sinukli ito, nagpapasalamat ako na ‘Ah! nakikita na nila’ na hindi kababawan... na mayrun sustansya ‘yung hinahatid namin sa kanila.”

Dagdag naman ni Arnold, ikinagulat niya ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa mga ginagawa nila sa DZBB.

“‘Nung sinabing number one, siyempre nagulat na kami, pero nung nakita namin ‘yung figures parang ang laki ng lamang. Naisip ko agad pasalamatan ‘yung mga nasa likod ng Double B.

“Pangalawa ‘yung mga impormante ko sa Sino? Pangatlo siyempre, dapat una ‘to sa Panginoon,”

Hindi naman nakalimutan ng ‘Super Balita sa Umaga, Nationwide’ anchor na si Joel Reyes Zobel na magbigay pugay sa mga tao na nasa likod ng Super Radyo DZBB.

Tinawag niyang ‘team effort’ ang pangunguna ng kanilang AM station sa ratings.

“Team effort ito, we have the best production people. Nandiyan ‘yung magagaling naming producers, mga news writers, mga production coordinators. And it’s really a team effort.

“And hindi sa amin kundi sa kanila dapat din magbigay tayo ng pagkilala.”

Show success

Ibinahagi naman nila Melo del Prado at Susan Enriquez na hosts ng ‘Melo Del Prado sa Super Radyo DZBB’ at ‘Kay Susan Tayo! Sa Super Radyo DZBB’ ang sikreto nila at bakit naging number one ang kani-kanilang programa.

Paliwanag ng batikang radio broadcaster na si Melo, “Kung ano ‘yung mga issues, mga balita na that matters to the listening public sa ganung oras’ yun ang ating ibinibigay.

“Plus, ‘yung mga impormasyon na dapat nilang malaman na wala sa pang araw-araw na pangangailangan nila, siyempre kailangan din naman natin silang i-educate. Kailangan bigyan natin sila ng bagong impormasyon.”

Para naman sa veteran news presenter na si Susan, tinututukan daw talaga niya ang mga topic na dini-discuss niya sa kanyang programa.

“Ang mga listerners ko [at] mga viewers naiintindihan nila ‘yung mensahe na gusto mong iparating doon sa mga topic na dini-discuss ko everyday. ‘Yun naman talaga ang aking objective.

“Talagang pinaghahandaan namin, sinisigurado ko na everyday ‘yung magiging topic namin sa programa ay talagang magiging kapaki-pakinabang sa mas maraming tao sa ating lipunan.”

Panalo rin sa ratings ang tambalan nina Orly Trinidad at Lala Roque sa ‘Super Balita sa Tanghali Nationwide’ kontra sa katapat nitong programa.

Ayon kay Lala, mahalaga na kilala nila ang kanilang listeners at viewers upang malaman nila ang mga isyu na malapit sa kanilang puso.

“So kami parang naging daan lamang ng ating mga kababayan. ‘Yun sa tingin ko ‘yung naging dahilan kung bakit napakaganda din ng resulta at maraming nakikinig sa atin.”

Sinisiguro din nila ayon kay Orly ang paghimay sa mga isyu at balita kaya naman mas pinipiling tumututok ng mga tao sa Super Balita sa Tanghali Nationwide.

"We are covering all angles para pag napakinggan ka nila ng alas dose uno hanggang ala una hawak-hawak mo sila.”

Paghakot ng awards

Sunod-sunod din an mga hinakot awards this 2019 ng Super Radyo DZBB at ng broadcasters nito.

Hyperlink:

GMA Network shows, personalities lauded anew at UPLB's 13th Gandingan Awards

https://www.gmanetwork.com/corporate/articles/2019-03-19/600/gma-network-shows-personalities-lauded-anew-at-uplbs-13th-gandingan-awards/

Pananaw ni Orly Trinidad na ang mga natatanggap na parangal ng kanilang AM station ay patunay lamang sa mataas na standard na ina-uphold ng mother company nito na GMA-7.

“Ang award kasi ay patunay lang 'yan na maganda ‘yung karakter at moral responsibilities ng GMA-7. Kung ano ‘yung ipinapakita namin, ‘yun kasi ang karakter ng GMA na iba sa lahat.

“Sabi nila a company is known by the people it keeps."

Itinuturing naman ni Ali Sotto na ‘icing on the cake’ ang mga inuuwi nilang mga pagkilala.

Ani Ali, “I’m so-so grateful! Ngayon pag pinapakilala ako di ba award-winning radio broadcaster [laughs]. ‘Yun nga ‘yung icing on the cake... cherry on top na pribilehiyo na ibinigay sa iyo. Not everyone is given this opportunity to be heard, not everyone is given this privilege na people listen to what we have to say and to make a difference.”

Dagdag namani ni Mike, “The awards serve as motivation not just for our anchors but for our reporters, for our writers, our producers, our desk people, our production assistants... everybody down the line.

“They help motivate us and more importantly they inspire us and just as importantly they challenge us not to do good, but to do better.”

 70th celebration 

Ano naman ang mga dapat abangan ng mga Kapuso sa Super Radyo DZBB sa pagdiriwang ng kanilang ika-70th anniversary?

Kuwento ni Joel Reyes, Zobel, “Mas marami tayong paghahandaan, marami tayong ipapakilala at mas pag-iibayuhin ‘yung serbisyong totoo sa ating listeners. Mas paiigtingin natin ang people empowerment at people participation lalong-lalo na ‘yung dahilan kung bakit tayo number one ay ‘yung ating mga tagasubaybay.”

Pabirong sagot naman ng GMA News Pillar na si Mike Enriquez, “Secret!”

Hangad daw ng award-winning TV/radio broadcaster na maging nationwide ang selebrasyon nila para sa 70th anniversary ng network at pati na din ng DZBB.

Dugtong niya, “We intend to make our anniversary not just Manila-centric kung tawagin, but from Tuguegarao our farthest station to the north, all the way to Zamboanga our farthest station in the south.

“Sabi nga nila it will be an all-inclusive celebration of 70 years of GMA in Luzon, in the Visayas and in Mindanao.”