Super Radyo DZBB, mas pinagkakatiwalaan at nangugunang AM station sa buwan ng Setyembre
October 08 2019
Hindi binigo ng multi-awarded team ng mas pinagkakatiwalaang AM station sa Mega Manila na Super Radyo DZBB ang kanilang listeners sa pagbibigay ng serbisyong totoo. Kaya naman hindi nakapagtataka na wagi sa ratings ang AM shows ng Kapuso radio station mula Lunes hanggang Linggo sa buwan ng Setyembre!
Certified number one ang programa ng respetadong radio broadcaster na si Melo del Prado na Melo del Prado sa Super Radyo DZBB sa timeslot nito mula 5:30 hanggang 7:00 ng umaga.
Hindi na pinakawalan ng DZBB ang number one spot dahil sunod-sunod pa rin ang panalo ng shows nito mula 7:00 AM hanggang 3:00 PM.
Mas pinipiling pakinggan ng listeners ang programa ni GMA News pillar at award-winning broadcaster Mike Enriquez at ni Joel Reyes Zobel na Super Balita Sa Umaga, Nationwide (7:00-8:00 AM).
Panalo rin sa ratings ang programa ni Joel na Anong Say Nyo? (9:00-9:30 AM).
Hindi rin nagpahuli ang AM show nina multi-awarded radio and news personality Arnold Clavio at actress-turned-broadcaster Ali Sotto, dahil mas tinutukan ang programa nila na Dobol A sa Dobol B (10:00-11:AM) kumpara sa katapat nito sa kabilang istasyon.
Double win din para kay Susan Enriquez ang taong ito dahil number one rin ang programa niyang Kay Susan Tayo! sa DZBB Super Radyo (11:00 AM-12:PM) at itinanghal din siya bilang Television Female Broadcaster of the Year sa Rotary Club of Manila Journalism Awards.
Naghari rin sa afternoon slot ang mga sumusunod: ang Super Balita sa Tanghali Nationwide nina Orly Trinidad at Lala Roque, The Longtall Howard Medina Show at ang kalog trio nila Tootie, Mega, at Janna Chuchu na host sa Bidang-Bida sa Dobol B.
Panalo rin sa kanilang timeslot ang Bigtime sa Balita! ni Rene Sta. Cruz at ang radio streaming sa DZBB ng 24 Oras at Saksi!
Umasa kayo na mas paghuhusayan pa ng buong Super Radyo DZBB team ang pagbibigay ng mga dekalibreng programa at serbisyong totoo sa mga susunod na buwan at taon.
Maraming salamat, mga Kapuso sa inyong pagtitiwala!
Comments
comments powered by Disqus