WATCH: Ruru Madrid, sinabing ibang klaseng makatrabaho si Jasmine Curtis-Smith sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'
September 21 2019
Aabangan ninyo ang tandem nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko dahil bibida sila sa month-long story na “When The Clock Strikes 12.”
WATCH: Angel Guardian, natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling single
LOOK: The true beauty of Bikay
Sa guesting ng dalawa sa radio program ni Papa Obet na Sikat, nagkuwento sila ng ilang detalye patungkol sa kanilang episode.
Ayon kay Ruru, matagal na niyang gusto makatrabaho si Jasmine.
Aniya, “Ibang klase! Alam mo ‘yung feeling na para bang once in a lifetime lang, ‘yung ganung feeling, kasi iba. Ever since gusto-gusto ko na siyang maka-work dahil sobrang husay niya as an actress.”
Nagkuwento naman si Jasmine patungkol sa roles nila na sina Bikay at Matteo.
Wika ng Kapuso actress, “Ang story niya, kami ni Ruru, magkaiba kami ng buhay,
“Dahil iba ang aking physical attributes, iba ang nakikita ko sa sarili ko. Feeling ko hindi ako maganda, marami akong imperfections sa sarili ko. So fan girl din ako ng artista na si Matteo na gagampanan ni Ruru.
“’Dahil sa confident ako sa pananamit ko at hitsura ko, lalapitan ko ngayon ang artistang si Matteo. Magpa-fan girl ako sa kanya hanggang mapansin niya ako.
“Na napaka-guwapo, napakasikat, ang daming fans, pero hindi maganda ang ugali niya. ‘Yung pagtatagpo ni Matteo at ‘yung character ko si Bikay, lesson to learn from,”
Dagdag naman ni Ruru, “Well, siguro masasabi ko ang lesson dito na when it comes sa love, hindi porket pogi ka or hindi porket maganda kang lalaki eh mapapasagot mo na ang kahit sinong babae.”
Balikan ang guesting sa Sikat nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith sa video below.
Comments
comments powered by Disqus