WATCH: Kumusta na si Anjo Damiles matapos lumipat sa Kapuso Network?
September 14 2019
Masusubukan ang acting ng newbie Kapuso actor na si Anjo Damiles sa bago niyang drama project na Madrasta.
WATCH: Wish fulfilled para kay Ruru Madrid ang bagong single na 'Nawawala'
Kabilang siya sa upcoming GMA-7 soap na pinagbibidahan nina Juancho Trivino, Arra San Agustin, at Thea Tolentino.
Sa personal na panayam ni Papa Obet sa Sikat, nagkuwento si Anjo tungkol sa magiging papel niya sa Madrasta.
“Yung karakter ko kasi dito ex-boyfriend ako ni Arra (San Agustin). Ex-boyfriend nga ako dahil siyempre narinig niyo na ex-boyfriend medyo kakaiba akong tao dito. Sobrang kupal ko na tao, sobrang masamang tao, manloloko,
“Pero siyempre ‘yung mga writers ngayon binabago naman ata nila. Hindi ko lang sigurado kung ime-maintain akong masama o magiging mabait ba akong karakter.”
Dating nasa kabilang network si Anjo at nasa isang buwan pa lamang siya sa GMA-7. Kumusta naman kaya ang experience niya bilang isang Kapuso?
Kuwento ng guwapong aktor, “Nakakapanibago. Ang laki ng adjustments ko kasi iba ‘yung environment. No comparison naman,
“Pero ngayon na nakaka-isang buwan na ako dito sa GMA, nag-e-enjoy naman na ako. Sobrang nae-enjoy ko ‘yung craft ko lalo.”
Dagdag niya na agad niyang nakapalagayan ng loob ang mga katrabaho niya sa Madrasta.
“Yung mga nakakatrabaho ko from staff, directors, artists, sobrang close na namin agad. Sobrang saya ko.”
Check out Papa Obet’s one-on-one interview with Anjo Damiles in Sikat in the video below.
Comments
comments powered by Disqus