WATCH: Jeric Gonzales, nagkuwento tungkol sa makadurog-pusong episode nila sa 'Magpakailanman'
September 07 2019
Masusubok ang katatagan ng pagsasama ng tatlong magkakapatid sa kuwento na matutunghayan sa weekly-drama anthology na Magpakailanman.
Magpakailanman presents "Ang Pumatay ng Dahil Sa'yo"
Kahapon, September 6, bumisita sina Mark Herras, Jeric Gonzales, at Yasser Marta sa radio program ni Papa Obet sa Barangay LS, kung saan nag-promote sila ng kanilang upcoming episode sa Magpakailanman.
Ayon kay Jeric, mata-touch ang mga Kapuso sa kuwento nina Mark, Marvin, at Michael na tampok sa "Ang Pumatay ng Dahil Sa'yo."
Wika ng Kapuso heartthrob, “'Yung kuwento nito is three brothers, maagang naulila kasi namatay ‘yung magulang, so kinailangan magsumikap ng kanya-kanya.
“Pero nung una, ‘yung kuya muna nagsabi na ako na lang muna ‘yung tatayo at magta-trabaho sa pamilya. Pero dahil nga sa sobrang hirap napilitan na nga ‘yung mga kapatid na gumawa. Well, ‘yung trabaho nila is medyo hindi tama,” saad ng Kapuso actor.
Dagdag niya, “About ito sa magkakapatid, kung paano nila haharapin ‘yung buhay na sila na lang, na wala ng magulang, wala ng guide. Kumbaga, ‘yung kuya na lang ‘yung pinaka-guide nila.
“Wherein hindi din maiwasan na mawala rin sa landas, tapos nang makita ng mga kapatid na medyo nawawala sa landas ‘yung kuya, parang sumusunod na rin sila sa hindi magandang gawain.”
Hiningi naman ni Papa Obet ang opinyon ni Mark Herras kung ano ang maipapayo nito sa mga kabataan na may parehas na sitwasyon sa ginampanan nila sa drama anthology.
Ani Mark, “’Yung mga nabigyan, na blessed na makapag-aral, tapusin nila. Kasi sabi ko nga, parang ‘yung bansa natin mahirap kumuha ng trabaho kapag ‘di ka nakatapos.
“Doon naman sa mga medyo minalas, hindi nakapagtapos or ‘di kaya mag-aral pero gusto, ang Pinoy naman kilala sa pagiging madiskarte,”
Mas lalong kilalanin ang gagampanang karakter nina Mark, Jeric, at Yasser sa interview nila sa Sikat sa video below.
Comments
comments powered by Disqus