WATCH: Former Protégé finalist Lirah Bermudez is now a college graduate
September 05 2019
Inspiring ang kuwento ni Lirah. o Lirah Bermudez, na dating finalist sa reality-based singing talent competition na Protégé. Masaya niyang ibinalita sa panayam sa Barangay LS na nakagpatapos na siya sa kolehiyo.
Matatandaang sumali siya sa naturang competition at naging runner-up noong 2011.
Sa exclusive chat ni Papa Obet sa Sikat last September 4, sinabi ni Lirah na tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkanta para matustusan ang kanyang pag-aaral.
Aniya, “Actually kaka-graduate ko lang po under Tourism Management course nitong May (2019).
“Ongoing pa rin naman po ‘yung singing ko habang nag-aaral. Well, kasi dun din po nanggagaling ang aking source of income.”
Kasalukuyang pino-promote ng signer ang kantang “Sahod” na sinulat mismo ng rapper na si Gloc-9.
Ano kaya ang kuwento sa likod ng OPM single na ito?
Wika ni Lirah, “Ang sinasabi po dito, siyempre ‘yung mga empleyado po natin, mga kababayan po nating empleyado, mostly ‘yun po ang inaabangan, [kung] may sahod na ba.
“Sinasabi din po dito sa song, like pag mayroon ng sahod ‘yung isang tao, ano ba ‘yung ginagawa niya and ano rin ginagawa niya habang naghihintay siya ng sahod, or habang hindi pa.”
Heto ang buong panayam ni Mr. Love Song Papa Obet kay Lirah sa video below.
Comments
comments powered by Disqus