READ: Papa Ace and Chiko give kulit mornings on 'Laugh Out Live' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilalanin sina Papa Ace at Chiko, ang inyong kulit morning barkada sa Barangay LS.

READ: Papa Ace and Chiko give kulit mornings on 'Laugh Out Live'

By AEDRIANNE ACAR

Simula Lunes hanggang Biyernes, 8 to 10 am, may bagong kakulitan ang mga ka-Baranggay at 'yan ay sina Papa Ace at Chiko para sa programang L.O.L. (Laugh Out Live).

 

 

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang dalawa bilang pagpapakilala sa kanilang bagong program.

 


Newest addition sa Barangay LS family si Papa Ace o Carlo Nieva Eporac na dating program director sa Barangay FM 91.1 sa Lucena City, Quezon Province.

Aminadong kinakabahan man sa umpisa si Papa Ace, looking forward pa rin ito sa kanyang bagong environment.

"Medyo nakakakaba noong una pero nakakaya ko naman so far... nakakatuwa kasi first time ko ‘to lahat... sana tumagal pa,” ani Papa Ace.

Samantala, pinuri naman ni Chiko ang bago nilang DJ at co-host. Aniya, game na game ito sa pakikipag-collaborate sa kanya para sa kanilang radio program.

“Si Papa Ace nakakatuwa kasi para lang din siyang kapatid. 

“Nung dumating siya dito very familiar na siya sa radio tapos nag-collaborate kami, 'yung alam niya sa probinsya at 'yung nalalaman ko dito sa Manila, pinag-combine namin. 'Yun! Ang ganda at ang galing.”

Para naman kay Papa Ace, magaan ang loob niya kay Chiko at marami siyang natutunan dito bilang isang DJ.

“Napakakulit, napakaingay, masaya siyang kasama and also ka-tandem sa program and marami ako natutunan sa kanya."

Forever ang tawanan at harutan kasama sina Chiko at Papa Ace sa L.O.L (Laugh Out Live) weekday mornings, pagkatapos ng Potpot and Friends nina Papa Jepoy, Papa Carlo at Mama Cy.