READ: Mike Enriquez, sinagot ang pambabatikos sa tagline na 'Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon kay Mike Enriquez, mas importante raw na alam ng mga taga-GMA News and Public Affairs na ang tagline na ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan’ ay “sinusunod talaga sa isip, sa salita, at sa gawa.”

READ: Mike Enriquez, sinagot ang pambabatikos sa tagline na 'Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan'

By AEDRIANNE ACAR

“You can’t please everyone.”

 

 Mike Enriquez
Mike Enriquez

 

Ito ang naging tugon ng GMA News pillar na si Mike Enriquez sa tanong ng entertainment press tungkol sa mga bumabatikos sa tagline ng buong team na, “Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.”

 

Sinabi ng Asian TV Awards' Best News Anchor na si Mike Enriquez na importante sa kanilang lahat na isinasapuso ang motto ng GMA News at Public Affairs kahit anuman ang negatibong sabihin ng mga tao.

“We welcome feedback,” sabi ni Mike.

“Hindi lahat ng nakikikinig at lahat ng nanonood natutuwa.

“Meron natutuwa, meron din nagagalit, ganun talaga.”

“Kung ang asa mo lahat ay mapapatuwa mo, e, mapu-frustate ka, di ba?

“Basta ang importante, ang alam mo ‘pag sinabi mo ‘walang kiniligan, walang pinoprotektahan,’ sinusunod niyo talaga sa isip, sa salita, at sa gawa.”

“Ang imporante alam namin sa sarili namin na hindi namin niloloko bago iba, hindi namin niloloko ang sarili namin.”

Isa si Mike sa mga humarap sa media sa grand media conference para sa mas pinalakas at pinalawak na pagbabalita ng Dobol B sa News TV, na ginanap kanina, June 13.

Samantala, excited ang actress-turned-radio anchor na si Ali Sotto na makita ng mga Kapuso ang mga bagong programang inihinanda ng Dobol B sa News TV, na sila mismo ang nag-request.

“Yung extended hours na ‘yun ng radyo na, tv pa dahil na rin sa mga hiling ng mga nanonood sa mga nakikinig sa amin na sana daw palaganapin pa at mas habaan pa ‘yung oras.”

“Kumbaga sa basketball, malalim ang bench ng DZBB ng GMA News TV, napakagaling po ng mga reporters namin.

“Doon sa paghaba ng oras namin, we tapped some of the really-really good reporters and gave them shows.”

Dobol B sa News TV now airs Mondays to Sundays

Tinanong naman ng Kapuso showbiz reporter Lhar Santiago si Arnold Clavio ang pinakapaborito nila sa tuwing sumasalang sa mga programa ng Dobol B sa News TV.

Tugon ni Igan na masarap ang pagiging ‘natural’ nilang lahat on-screen.

Wika niya, “Yung pagiging natural walang script kasi ‘yun Kuya Lhar. Biruin mo paano mo pagiisahin namin apat nang hindi sapawaan.” 

IN PHOTOS: The phenomenal team of Super Radyo DZBB