Sikat sa Barangay: Ano ang inspirasyon ni Jem Cubil sa kantang "Tanong"?
May 09 2019
Ramdam ang kilig sa Sikat sa Barangay nang bumisita ang actor-singer na si Jem Cubil last Tuesday, May 7.
Nakilala ang OPM heartthrob sa kanta niya na "Tanging Ikaw." Napanood din siya nang sumali sa reality singing competition na The Voice of the Philippines.
Talk to Papa: Saan humuhugot ng lakas si Aiai Delas Alas sa dami ng kaniyang commitments?
Sa chikahan nila ni Mama Belle, umamin ang guwapong binata na emosyonal siyang tao at nagagamit niya ito sa pagsusulat ng mga kanta.
Kuwento ni Jem, “Just a normal guy trying to send out my music to everybody. You know, let everybody listen to my stories. Itong mga kuwentong ito na nababahagi ko sa inyo sa pamamagitan ng pagkanta.
“I’m just that kind of person who is very-very emotional nilalagay lahat sa kanta.”
Samantala, patok ngayon sa mga radio listeners ang latest single niya na "Tanong." Ayon kay Jem, inspired ang hugot song niya ng kaniyang ex-girlfriend.
“At that time kasi akala ko po kasi that was for my ex-girlfriend, so nung nag-record na kami binasa ko siya uli parang halo-halong emotions and events at that time.
“Kaya nga the chorus goes ‘mauuna o mahuli sa dulo may pagmamahal pa bang isusukli.
“So it’s not only siguro you know to your lover or to your loved ones, maybe sa career din," he ends.
Comments
comments powered by Disqus