Sikat sa Barangay: Single ni Anthony Rosaldo na "Larawan Mo," sinulat ng tatlong composer
February 07 2019
Nanatiling close ang Kapuso singer-heartthrob na si Anthony Rosaldo sa mga kapwa niya finalists sa The Clash.
Talk To Papa: Jong Madaliday at Garrett Bolden, overwhelmed sa success nila matapos ang 'The Clash'
Sa one-on-one interview kay Anthony ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay kahapon, February 6, sinabi niya na parang pamilya na ang turingan nila ng mga fellow Clashers niya.
“So far we are still in tact. I found a [new] family. Super close kami lahat lalo kami ni Garrett [Bolden] at saka ni Miriam [Manalo] 'yan mga close ko.”
Labis din ang pasasalamat ng Kapuso performer sa big break na nakuha niya mula nang sumali sa The Clash.
Aniya, “The Clash talaga ‘yung nagbigay sa akin ng biggest break ko. So ‘eto ‘yung sumubok ng aking galing, ng diskarte as a performer.”
Busy ngayon sa pagpo-promote si Anthony ng first single niya under GMA Music na “Larawan Mo.”
Sino kaya ang naging inspirasyon niya para sa single na ito?
Paliwanag ni Anthony, “Ito ‘yung very first single ko under GMA Music, "Larawan Mo." Ano ‘to Mama Belle, itong song na ‘to actually the songwriters, I have three songwriters na who joined forces for this song- si Racquel Federizo Gutierrez, si John Gerald at saka si Jonn Walter.
“They are my friends tapos based ito sa experience ko from the past. Larawan ito ng isang babaeng minahal ko dati, pero I loved her at the wrong time.”
Balikan ang chikahan nina Mama Belle at Anthony sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.
Comments
comments powered by Disqus