Talk To Papa: Jong Madaliday at Garrett Bolden, overwhelmed sa success nila matapos ang 'The Clash' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa exclusive interview nina Papa Obet at Papa Marky kina Jong Madaliday at Garrett Bolden para sa radio program na Talk to Papa, sinabi ng mga ito na masaya sila sa sunod-sunod na project nila with GMA-7. Read more.

Talk To Papa: Jong Madaliday at Garrett Bolden, overwhelmed sa success nila matapos ang 'The Clash'

By AEDRIANNE ACAR

Sabay na nag-promote ng kanilang debut single under GMA Music ang former The Clash grand finalists na sina Jong Madaliday at Garrett Bolden sa Barangay LS 97.1 kahapon, January 29.

 

Jong Madaliday at Garrett Bolden
Jong Madaliday at Garrett Bolden

 

LOOK: Kapuso stars, suportado ang debut single ni Garrett Bolden na "Lilipad na"

Sa exclusive interview nina Papa Obet at Papa Marky sa dalawang magaling na Kapuso singers para sa radio program na Talk to Papa, sinabi ng mga ito na masaya sila sa sunod-sunod na project nila with GMA-7.

Kuwento ni Garrett, “Siyempre masaya kami Kapuso na kami ngayon, hindi na kami kontesero. Siyempre now that we are doing Studio 7, tapos currently we have our new singles na rin.”

Most requested ng mga Kabarangay ang debut single ni Jong sa GMA Music na “Ano Ba” na kinompose ni RJ Santillan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#AnoBa napainggan n'yo na ba si Jong Madaliday ngayong Monday? Tara na! https://youtu.be/XIw_eE2bTqs

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on


Ano kaya ang meaning ng kanta niya na “Ano Ba?”

Paliwanag ni Jong, “Itong kantang ito parang nalilito siya kung paano ba, parang hindi niya alam kung pag-ibig ba itong pinasok n’yo o laru-laro lang.”

“Tapos nung tinamaan siya biglang nag-iba na ‘yung simoy na siya na ‘yung nai-in love.”

Tinuturing ni Jong na pinakamalaking achievement ng kaniyang music career na nagustuhan ng mga Pinoy ang kaniyang debut single.

“Sobrang saya po kasi, hindi ko rin po mai-imagine sa sarili ko na parang dati nakikinig lang ako sa mga music ng iba. Then ngayon may single na ako.”

Dagdag pa ni Jong, “Super blessed po na talagang winelcome nila ‘yung kanta. ‘Yun po ‘yung isang pinaka big achievement ko na parang magugustuhan nila.”

Lilipad Na

Ibinahagi naman ni Garrett ang memorable experience niya nang umuwi siya kamakailan sa hometown niya sa Olongapo City.

Kuwento ni Garrett, “Nakaka-overwhelm pa rin minsan...hindi ko makalimutan na experience siyempre umuwi ako sa amin taga Olongapo po ako. Nung umuwi ako sa amin, minsan alam mo ‘yun naririnig mong kini-cover ng mga ibang banda ‘yung mga version na kinanta mo nung The Clash.”

Ni-release na din ang first single ni Garrett under GMA Music na “Lilipad Na.” Ayon sa Kapuso soul singer perfect daw pang Valentines ang kanta niya na patungkol sa ‘taking chances’ when it comes to love.

Saad niya, “Tungkol din siya sa pag-ibig pero this time it talks about taking chances. Parang huwag ka nang mag-isip tara na okay na ‘to.”

Balikan ang exclusive interview nina Garrett at Jong sa Talk To Papa sa Facebook Live video below.