Arnold Clavio mourns the death of one of the beneficiaries of iGan Foundation | GMANetwork.com - Radio - Articles

Arnold Clavio emotionally recalls encounter with Irene Loy, one of the child beneficiaries of iGan Foundations.

Arnold Clavio mourns the death of one of the beneficiaries of iGan Foundation

By AEDRIANNE ACAR

Hindi maitago ang lungkot ng multi-awarded GMA News personality na si Arnold Clavio matapos niyang malaman na pumanaw na ang isa sa mga batang tinutulungan iGan Foundation.

 

Arnold Clavio
Arnold Clavio

 

Super Radyo DZBB wins big at the Inding-Indie Film Festival 2018

Sa Instagram post ng Super Radyo DZBB anchor, ibinahagi niya sa kaniyang followers na namatay dahil sa ‘sepsis’ si Irene Loy, na isa sa kanilang beneficiaries.

Ibinahagi pa ni Arnold sa Instagram ang isang birthday car na personal na ginawa ni Irene para sa kaniya.

Wika ni Irene, “Happy Birthday po thank you po sa tulong na ibinigay niyo sa akin. Wish ko lang po sa inyo ay magkaroon po kayo ng malusog na pangangatawan at sana po marami pa pong birthdays ang dumating sa inyo at marami pa po kayong matulungan na mga cancer patients.”

Nagkuwento din ang Unang Hirit pioneer tungkol sa naging encounter niya sa bata sa isang event ng iGan Foundation.

“A sad day for me and my iGan community. ?? Just last week, sa gitna ng Pamasko ni iGan 2018, this young little girl, Irene Loy, surprised me with a personal birthday card. She even asked me to join her sa photo booth for a souvenir shot. A survivor of brain tumor.”

“But last night, she bids us all goodbye. Caused of death: ‘sepsis infection’ sa dugo. Thank you my sweet angel.”

Sinabi naman ni Igan na magiging inspirasyon sa kanilang lahat ang alaala ni Irene Loy.

“Kahit sa maikling panahon, naipadama mo sa amin ang matapang mong pakikipaglaban. Ang ngiti mo ang nagbigay inspirasyon sa akin na ipagpatuloy ang aming ginagawa sa iGan Foundation. Rest well in the arms of our Creator Irene. Ipagdasal mo kaming iniwan”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

What can you say about a fourteen year old girl who died? A sad day for me and my iGan community. ?? Just last week, sa gitna ng Pamasko ni iGan 2018, this young little girl, Irene Loy, surprised me with a personal birthday card. She even asked me to join her sa photo booth for a souvenir shot. A survivor of brain tumor. But last night, she bids us all goodbye. Caused of death: ‘sepsis infection’ sa dugo. Thank you my sweet angel. Kahit sa maikling panahon, naipadama mo sa amin ang matapang mong pakikipaglaban. Ang ngiti mo ang nagbigay inspirasyon sa akin na ipagpatuloy ang aming ginagawa sa iGan Foundation. Rest well in the arms of our Creator Irene. Ipagdasal mo kaming iniwan mo. ???????????????????????? #rip #thankyoulord #iganfoundation

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan) on

 

 


Itinayo ni Arnold ang iGan Foundation noong November 5, 2002 sa tulong ng kaniyang mga kaibigan. Misyon nito ang magbigay ng assistance sa mga bata na may ‘life-threatening disease.’