WATCH: Anthony Rosaldo, isang "triple threat"
December 12 2018
May malaking sopresa ang Kapuso singer na si Anthony Rosaldo para sa kaniyang loyal fans this Christmas season.
Gaganapin kasi ang ‘By Request’ concert ng former The Clash finalist ngayong Miyerkules, December 12 sa Zirkoh Tomas Morato.
Sa panayam ni Anthony sa Sikat sa Barangay kamakailan, sinabi ng talented performer na maraming dapat abangan ang mga Kapuso sa concert niya tonight.
Saad niya, “Ma-expect nila siyempre mga pasabog na nakasanayan nila sa The Clash, 'tsaka hindi lang ‘yun siyempre I have more to offer. Sabi ko nga siguro I can say na I am a triple threat- I can sing, I can dance, I can do anything.”
“So, sa concert na ‘yun sasayaw ako and also mayrun tayong mga guests.”
Ilan sa celebrities na mapapanood sa one-night concert ni Anthony Rosaldo ay ang kapwa niya contestants sa The Clash na sina Mirriam Manalo, Garrett Bolden at ang Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya.
Muling balikan ang one-on-one chikahan ni Anthony Rosaldo sa Sikat sa Barangay sa video below.
Comments