EXCLUSIVE: Ang Palaban na Beauty na si Mama Cy, gustong ma-inspire ang female listeners ng Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mas kilalanin ang Palaban na Beauty ng Barangay LS. 

EXCLUSIVE: Ang Palaban na Beauty na si Mama Cy, gustong ma-inspire ang female listeners ng Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

Nakakahawa ang tawa ng isa sa pinakamagaling na female FM radio hosts ng bansa na si Mama Cy ng Barangay LS 97.1.

Napapakinggan siya makipagkulitan sa Potpot & Friends kasama sila Papa Jepoy at Chiko Tito tuwing umaga.

EXCLUSIVE: Papa Jepoy, bilib sa teamwork ng 'Popot & Friends'

Pero bukod sa pagiging mahusay na radio host, may iba pang trabaho "Ang Palaban na Beauty" ng Barangay. .

Hindi alam ng marami na ang Miriam College graduate na si Mama Cy ay tumatayo rin bilang Events and Creative Department Manager sa Radio GMA.

Kuwento niya sa one-on-one interview niya with GMANetwork.com, itinuturing ni Mama Cy na isang blessing ang magkaroon ng trabaho sa events.

Ani Mama Cy, “I am very blessed to say na sa Radio GMA, very healthy ‘yung environment for strong women like me. Kasi walang machismo na dapat lalaki ang boss. Kasi ‘yun ‘yung nakasanayan natin from way-way before. And I’m also blessed to have a boss who hears me out.”

Tinaguriang Ang Palaban na Beauty ng Kapuso FM station, umamin si Mama Cy na nagulat siya na ganito ang bansag sa kanya ng mga loyal Kabarangay listeners.

Nakikita ni Mama Cy ang kahalagahan ng titulo niya sa mga mata ng mga Kabarangay dahil gusto din niya maging inspirasyon para sa lahat na kababaihan.

“Noong binansagan ako ng mga Kabarangay bilang Ang Palaban na Beauty, happy ako and siguro honored din at the same time. Kasi ibig sabihin, they see me as an empowered woman.”

Good vibes na umaga ang hatid ng Potpot and Friends every Monday to Friday from 6:00am to 8:00am with Papa Jepoy, Chiko Tito and Mama Cy sa number one FM radio station ng bansa na Barangay LS 97.1!

Puwede din kayo makisaya sa mga paborito ninyong Barangay LS disk jocks online via the live audio stream nito sa www.gmanetwork.com/radio.