WATCH: Atom Araullo promotes his documentary 'Philippine Seas' on Sikat sa Barangay
November 03 2017
Masuwerte na nakasama ng mga Kabarangay listeners kanina sa hit morning radio program ni Mama Belle ang pinakabagong Kapuso reporter na si Atom Araullo.
#WhereYouBelong: 48 Kapamilya stars turned Kapuso
Dito prinomote niya ang kaniyang first documentary sa GMA News at Public Affairs na ‘Philippine Seas’ na mapapanood na sa darating na November 5.
Ayon sa kaniyang panayam kay Mama Belle, ipinaliwanag ni Atom kung ano ang gusto niya ma-accomplish sa pamamagitan ng kanilang dokumentaryo patungkol sa mayamang karagatan ng Pilipinas.
Aniya, “Siguro lahat tayo dito ‘yung mga nakikinig pamilyar sa karagatan, dahil lahat tayo nakatira siguro hindi malayo ang isang oras mula sa mga baybay dagat. Kaya lahat tayo mayroong karanasan diyan at gusto namin na pag-usapan ‘yung ating karagatan.
“Kung gaano ito kaganda, kung gaano ito kayaman at mas mahalaga kung ano ‘yung mga paraan para pangalagaan ito. Kasi kung hindi natin aalagaan 'yan baka sa hindi malayong hinaharap ay mawala itong mga ito.”
Balikan ang full interview ni Atom Araullo sa Sikat sa Barangay via Facebook Live video below:
Comments