READ: Mama Emma, DJ-turned-entrepreneur
September 11 2017
Bukod sa pagiging host ng isa sa mga high-rating programs ng Barangay LS na Three Play, pinasok na din ni Mama Emma ang mundo ng pagne-negosyo.
Join DZBB's 'Trabaho Negosyo Fair' this September
Ang magaling na radio DJ ay isang proud owner ng isang water refilling station sa Imus, Cavite. Sa exclusive interview ni Mama Emma sa GMANetwork.com, nagkuwento siya kung bakit naisipan nito na mag-pundar ng sarili niyang business.
Aniya, “Aside doon sa the work mo di ba, ‘yung career natin na pagiging DJ importante na mayrong tayong ibang pagkakakitaan, kasi siyempre sa mahal ng bilihin, sa mga dami ng expenses minsan hindi talaga enough na doon ka lang naka-depende sa suweldo mo. So, napasok ko siya kasi alam ko hindi rin naman habang buhay ako DJ, so at least mayrun akong, alam mo ‘yun, back-up na puwede kong gawin right after.”
Naniniwala din si Mama Emma na viable ang naturang negosyo, dahil kailangan ng tao ang malinis na tubig.
“Una kasi alam naman natin na ‘yung water wala tapon. Alam mo ‘yun di ba puwede mo siyang gamitin, puwede kang maglagay diyan at may bibili at bibili sa iyo. Basta makakuha ka ng magandang lugar na pagpu-puwestuhan. And second ‘yung mommy ko kasi nagre-resell na siya ng mga water. So, parang nagkaroon ng idea na ba’t instead na magresell kuha na lang tayo ng sarili natin.”
Kaya kung kagaya din kayo mga Kabarangay ni Mama Emma na nag-iisip na magtayo ng negosyo. Inaanyayahan niya ang lahat na pumunta sa malaking Trabaho Negosyo Fair ng DZBB sa Starmall EDSA-Shaw mula sa September 21-22.
Paliwanag ni Mama Emma na tiyak makakatulong ang seminars na gagawin sa naturang event para maging successful kayong Kapuso entrepreneur.
“Kung aattend kayo ng Trabaho Negosyo Fair, mayrun yang mga seminars na libre niyo lang pong makukuha hatid yan siyempre ng RGMA. Kailangan po pumunta lang kayo, magsipag kayo gumising kayo ng maaga, kasi po first come, first serve ito.”
Comments
comments powered by Disqus