READ: Papa Ding, ramdam agad na welcome sa Barangay LS kahit baguhan | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ganap nang ipinakilala sa mga Kabarangay listeners ang bagong Talk Back host na si Papa Ding na mula sa Lucena City, Quezon.

READ: Papa Ding, ramdam agad na welcome sa Barangay LS kahit baguhan

By AEDRIANNE ACAR

Mas magiging maganda at exciting ang madaling araw n’yo sa tuwing makikinig kayo sa number one FM station na Barangay LS 97.1, dahil isang bagong DJ ang magbibigay saya at kulay tuwing umaga.

Papa Ding, from fast food service crew to DJ of Barangay LS

Ganap nang ipinakilala sa mga Kabarangay listeners ang bagong Talk Back host na si Papa Ding na mula sa Lucena City, Quezon.

Sa one-on-one interview ni Papa Ding sa GMANetwork.com, naikuwento nito ang mainit na pagtanggap ng mga kapwa niya Barangay LS DJs na matiyaga siyang tinuturan.

Ayon sa kaniya, “Napaka-overwhelming, at saka they welcome me with open arms. Very accommodating sila na ituro sa akin lahat ng dapat kong malaman. Although kasi GMA din ‘yung pinanggaligan ko, may mga iba din kasi ‘yung pamamaraan namin doon at saka pamamaraan dito.”

Marami din daw naibigay na advice si Papa Marky sa kaniya kung paano mas higit na mapagbubuti ang kaniyang trabaho.

Si Papa Marky ang dating Talk Back host na nanalo bilang Best Radio DJ of the Year sa 3rd Inding-indie Short Film Festival noong nakaraang taon.

“Oo, madami din kasi sabi nga niya sa akin, basta ilabas mo lang ‘yung ikaw, hindi mo kailangan gayahin ‘yung ginagawa ko or hindi mo kailangan gayahin ‘yung ginagawa nung ibang DJ. Kailangan maka-build ka ng sarili mong personality. At siyempre alagaan mo ‘yung mga listeners mo.”