Album ni Glaiza de Castro na 'Magandang Simulain,' naglalaman ng mga aral ng kanyang lolo | GMANetwork.com - Radio - Articles

  "Nagsimula 'yan sa lolo ko na everytime na mayroon kaming family reunion (ay) mayroong speech sa amin na kapag may maganda kang sinimulan ay maganda mo ring tatapusin." - Glaiza de Castro

Album ni Glaiza de Castro na "Magandang Simulain," naglalaman ng mga aral ng kanyang lolo

Bumisita si Glaiza de Castro sa programa ng dzBB na Super Balita Sa Umaga Nationwide nina Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel.

Ibinahagi ni Glaiza ang laman ng kanyang bagong album na "Magandang Simulain" kung saan naglalaman daw ito ng mga aral ng kanyang lolo.

Apat sa laman ng album niya ay siya mismo ang nagsulat gaya ng 'Ganti,' 'London,' 'Sinta,' at 'Magandang Simulain.'

Naging inspirasyon nga raw niya ang kanyang Lolo Estong kaya nabuo ang bago niyang album.

"Nagsimula 'yan sa lolo ko na everytime na mayroon kaming family reunion (ay) mayroong speech sa amin na kapag may maganda kang sinimulan ay maganda mo ring tatapusin. Iyan po ang ipinamanang prinsipyo na pinagpapatuloy lang namin,” saad ni Glaiza.

Kapag wala raw taping si Glaiza ay gumagawa ito ng mga kanta at sa katunayan nga raw ang kanyang awitin na London ay isinulat niya sa London habang ito’y nagbabakasyon.

Tribute din daw ni Glaiza ang bago niyang album sa mga iconic OPM artist. "'Yung mga ibang songs dito ay tribute ko sa pioneers ng Pinoy music gaya ng Juan Dela Cruz band, Asin, Cinderella at Judas.”

Dagdag pa niay, "'Yung parents ko mahilig sila sa music, nagbabanda rin sila kaya namana ko sa kanila 'yung hilig sa music.”

Ikinagulat naman ng mga host ng programa na sina Mike at Joel ang pag-amin ni Glaiza na nakikinig ito ng Saksi sa Dobol B.

“Nagpapasalamat ako dahil naririnig ko dito (sa dzBB) every morning 'yan (ang kantang 'Masdan mo ang mga bata'). Kapag papunta (kasi) ako ng taping ay nakikinig ako sa Dobol B, pati 'yung driver ko si Kuya Sonny…nakatutok  ‘yan sa Saksi sa Dobol B."

Samantala mapapanood din si Glaiza sa Daig Kayo ng Lola Ko ngayong July 30 at sa July 29 naman ay magkakaroon ng mall show sa Fisher Mall bilang Ambassadress ng Philippine Chinese Charitable Association, Inc.

LIVE sa DZBB: Kapuso actress Glaiza de Castro sa #SuperBalitaSaUmagaNationwide.

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Thursday, July 27, 2017