DzBB Anchor Orly Trinidad, Pinarangalan ng Rotary Club of Manila Journalism Award | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pinarangalan bilang Best Male Radio Broadcaster of the Year si Super Radyo dzBB anchor  Orly Trinidad sa Rotary Club of Manila Journalism Award.

DzBB Anchor Orly Trinidad, Pinarangalan ng Rotary Club of Manila Journalism Award

Pinarangalan bilang Best Male Radio Broadcaster of the Year si Super Radyo dzBB anchor 
Orly Trinidad sa katatapos lamang na Rotary Club of Manila Journalism Award na ginanap sa New World Hotel sa Makati noong June 22, 2017.
 
Ayon kay Orly, ang parangal na kanyang natanggap ay inialay niya sa lahat ng bumubuo ng Super Radyo DzBB.
 
“Bagamat ang nakalagay dito sa tropeyo ay Orly Trinidad, ang award na ito ay para din sa buong Super Radyo dzBB kasi hindi naman tayo bibigyan ng chance na makilala kung hindi dahil sa tulong siyempre ng ating mga Kapuso”
 
“Ang award na ito ay para rin sa aming mga reporter, sa aming mga writer, Production Assistants at pati na rin sa lahat ng dzBB anchors”
 
“At higit sa lahat ang award na ito ay para rin sa aming mga bossing Norilyn Temblor (News Director), Sir Glenn Allona (VP for Radio Operations group) and of course kay Sir Mike Enriquez (Consultant for Radio Operations and RGMA President)
 
Si Orly ay kasalukuyang napapakinggan sa ilang programa sa dzBB katulad ng Super Balita Sa Tanghali, Tambalang Orly at Fernan, Buena Manong balita at MMDA sa GMA.
 
Sa mahigit labing siyam na taon niya sa industrya ay ito raw ang kanyang kauna unahang parangal. 

Samantala, pinarangalan din si GMA News reporter Marisol Abduraman bilang Best Female TV Reporter of the Year.
 
Ayon kay Abduraman, ang natanggap niyang pagkilala ay magsisilbing gabay para lalong ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyong totoo.
 
“Malaking hamon ito para lalong gawin ang ating trabaho ng tapat at gaya ng ating tagline na ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan ay talagang napakabigat so dapat isapuso at gawin talaga”.
 
Ang Rotary Club of Manila Journalism Awards ay itinayo noong 1966 upang magbigay pagkilala sa ilang natatanging journalist sa print, television, radio at media organizations.