DZBB's Mike Enriquez and Senior Reporter Nimfa Ravelo, awarded for being most trusted and outstanding broadcaster | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pinarangalan ng Rotary Club of Manila ang Senior Reporter ng DZBB na si Nimfa Ravelo bilang Radio Female Broadcaster of the Year. At itinanghal si Mike Enriquez bilang Most Trusted News Radio Presenter ng Reader's Digest Asia.

DZBB's Mike Enriquez and Senior Reporter Nimfa Ravelo, awarded for being most trusted and outstanding broadcaster

Pinarangalan ng Rotary Club of Manila ang Senior Reporter ng DZBB na si Nimfa Ravelo bilang Radio Female Broadcaster of the Year. Iginawad kay Ravelo ang parangal sa seremonya na ginanap noong June 30, 2016 sa New World Makati Hotel sa Makati City. Isa si Ravelo sa ilang media practitioners na binigyan ng pagkilala sa taunang Journalism Award.

Ang RCM’s Journalism Awards ay unang inilunsad noong 1966 para bigyan karangalan at pagkilala ang mga outstanding media practitioners sa bansa.

Laking pasasalamat naman ni Ravelo sa Rotary Club of Manila sa pagkilala sa kanya bilang Radio Female Broadcaster of the Year. “Ang award na ito ay isang hamon at inspirasyon para lalo nating pagbutihin ang ating pagbabalita.”

Samantala ang Imbestigador ng Bayan na si Mike Enriquez ang itinanghal bilang Most Trusted News Radio Presenter ng Reader's Digest Asia na ginanap noong June 30, 2016 sa Marco Polo Hotel sa Ortigas. Ito ang kauna-unahang award ni Enriquez sa Reader’s Digest.

Ayon kay Enriquez, “Napakasarap ng feeling dahil itong Reader’s Digest ay galing mismo sa libo-libong nagbabasa at sa ibat-ibang kumpanyang sinu-survey nila. 

“Nagulat nga ako nang sinulatan ako at sinabing awardee ako

"Itong tiwala na ito ay hindi lang tiwala sa broadcast industry dahil higit sa lahat ay tiwala ito sa himpilan ng GMA at sa Super Radyo DZBB.”

Makakaasa naman umano ang mga tagapakinig ng Super Radyo DZBB na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng serbisyo publiko at paghahatid ng balitang walang kinikilingan at walang prinoprotektahan.

“Higit sa lahat sa award na ito ay sana mas dumami pa ang matutulungan natin sa pamamagitan ng pagbabalita ng walang kinikilingan, walang prinoprotektahan at sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong totoo sa mas maraming taong nangangailang sa buong Pilipinas,