EXCLUSIVE: Papa Dudut umamin na may agam-agam kung magiging successful ang 'Barangay Love Stories' podcast
May 17 2016
Successful ang pinaka-unang podcast na inilunsad ng Kapuso Network matapos ang isang buwan!
Mapapakinggan na kasi ng mga Kabarangay ang mga ultimate hugot episode sa radyo ni Papa Dudut na Barangay Love Stories online kung ikaw ay iOS at Andorid user.
Sa katunayan nag-top ang Barangay Love Stories podcast sa iTunes chart.
Sa exclusive interview ni Papa Dudut sa GMA Network.com, hindi daw niya inaasahan na ganito kaiinit at katindi ang magiging suporta ng mga listeners niya sa podcast.
Pag-amin ni DJ Dudut, “I’ll be honest at first medyo kinakabahan ako kasi unang-una sabihin na natin hindi ko alam if 'yung mga followers ko will embrace the technology of using cell phones to download the episodes.”
“Alam mo naman siyempre majority ng listeners are the masa people and though lahat naman nagfe-Facebook na, lahat naman gumagamit nang telepono, pero may konting kaba pa rin ako deep inside na magiging successful kaya ito, kasi siyempre kahit nga ako hindi ako marunong mag-download ng podcast,” dagdag ng radio host.
Nakakatuwa din daw na maraming mga Kapuso ang gustong matuto kung papaano ma-access ang mga episode ng Barangay Love Stories sa podcast.
“Nakakatuwa ‘yung response ng tao na kahit hindi kami marunong, kasi ang daming inquiries sa Facebook na ‘How to download?,' 'Ano 'yung procedure?’
“And nakakatuwa naman dahil very supportive ang buong team [Barangay LS 97.1]and GMA Network.com na turuan ‘yung mga listeners kung papaano gawin siya."
Panghuli, nagpasalamat din si Papa Dudut sa mga OFW na tumututok linggo-linggo sa pocast ng Barangay LS 97.1.
“Nakakatuwa na we also have listeners, people downloading the episodes from different parts of the world… Ang mga message ko sa mga OFW maraming-maraming salamat sa kanila and don’t worry we’ll produce more episodes for podcast.”
MORE ON PAPA DUDUT:
Comments
comments powered by Disqus