Ano ang sorpresang hatid ni Papa Dudut para sa mga OFW? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon sa Barangay LS disk jock at book author na si Papa Dudut, hangad niya at ng buong RGMA na maibsan ang kalungkutan ng mga overseas Filipino workers.  

Ano ang sorpresang hatid ni Papa Dudut para sa mga OFW?

By AEDRIANNE ACAR

Mahirap talaga para sa maraming Pinoy ang makipagsapalaran sa ibang bansa, para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya na maiiwaan dito sa Pilipinas.

Kaya naman mga Kabarangay na overseas Filipino workers, may handog sa inyo si Papa Dudut upang kahit papaano maibsan ang lungkot at pagka-miss niyo sa Pilipinas.

Handog ni DJ Dudut ang kauna-unahang podcast ng Barangay LS 97.1. Simula kasi noong April 11 puwede niyong mapakinggan o 'di kaya ma-download ang mga nakakaantig na mga kuwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa ng Barangay Love Stories sa podcast.

Tiyak tanggal ang lumbay ninyo sa oras na mapakinggan ang mga kuwento ng pag-ibig na magpapanumbalik sa paniniwala niyo na may forever.

Ayon sa resident disk jock at book author na si Papa Dudut, hangad niya at ng buong RGMA na ipadama sa mga overseas Filipino workers na sa pakikinig ng Barangay Love Stories sa podcast ay ramdam pa rin nila na nasa Pilipinas sila kahit saan mang sulok sila ng mundo naroroon.

Saad ni Papa Dudut, “Yung mga OFW natin naho-home sick especially ‘yung mga bago pa lang na umaalis ng bansa para mag-trabaho. Alam mo ‘yung makapagbigay ka ng ganitong klase ng programa ‘yung ‘Hay! Kahit papaano hindi ko na nami-miss masyado ang Pilipinas’ kasi parang nakikinig lang din ako ng Barangay LS 'di ba? Kasi kapag Barangay LS ang pinapakinggan mo sa radyo, nasa Pilipinas ka noh. So why not we give them Barangay LS, Barangay Love Stories 'di ba, na handy na. So, 'yun nakakatuwa,”

MORE ON BARANGAY LOVE STORIES PODCAST:

LOOK: How to listen to the 'Barangay Love Stories' podcast 

'Barangay Love Stories' may podcast na!

Barangay Love Stories podcast steps (Android)

Barangay Love Stories podcast steps (iOS)