Abangan ang 'Barangay Love Stories' podcast launch on April 11 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kapuso, ilang tulog na lang puwede na niyong mapakinggan ang mga memorable at ultimate hugot episode ng 'Barangay Love Stories' anytime and anywhere.

Abangan ang 'Barangay Love Stories' podcast launch on April 11

By AEDRIANNE ACAR

 

Mga Kapuso, puwede na niyong mapakinggan ang mga memorable at ultimate hugot episode ng 'Barangay Love Stories' anytime and anywhere simula April 11.

LOOK: How to listen to the 'Barangay Love Stories' podcast 

Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa veteran disk jock at book author na si Papa Dudut, isa raw malaking challenge na mas pagbutihin pa ang kaniyang trabaho, upang lalong pagandahin ang bawat istorya na mapapakinggan ng mga listeners lalo na't available na ang 'Barangay Love Stories' sa podcast.

Ayon kay DJ Dudut, “Napaka importante sa akin at isang pong magandang pribilehiyo ito para sa akin na ipinagkatiwala ng RGMA ang kauna-unahan [podcast ng Barangay LS]. Sabi ko nga sa isang guesting ko sa isang school, nag-graduation speech ako na parang history in the making ito. Because this is the first ever podcasts na ipo-produce ng GMA Network na pang-radyo.”

Dagdag pa ni Papa Dudut, hindi na rin daw magiging problema para sa mga Kabarangay na walang chance na makatutok sa 'Barangay Love Stories' sa radyo, dahil mababalikan nila ang mga nakakaantig na istorya ng pag-ibig ano mang oras nila gustuhin.

“We're catering not only to the listeners sa radyo at the same time maki-cater na rin natin at mabibigyan natin ng magagandang kuwento ‘yung mga techie, ‘yung mga listeners natin na minsan hindi nakakapakinig sa radyo. At least now they can download the episode." 

Pabiro pa niyang pagtatapos. "Nakakatawa kasi kahit saan magpunta ‘yung tao puwede nilang dalhin ‘yung boses ko,”